Content creators/real-life doctors, mapapanood sa ‘Abot Kamay Na Pangarap’ - TrueID

Content creators/real-life doctors, mapapanood sa ‘Abot Kamay Na Pangarap’

Philippine EntertainmentOctober 23, 2022

Ilang sikat na content creators at real-life doctors ang mapapanood na rin sa hit medical drama na ‘Abot Kamay Na Pangarap!’

Simula bukas, matutunghayan sa series si Dr. Alvin Francisco, isang radiologist na may more than 660,000 followers sa Facebook, 513,000 subscribers sa YouTube, at 300,000 followers sa TikTok. Mapapanood din soon si Dr. Kilimanjaro Tiwaquen, isang physician na may 4.3M followers sa TikTok at 3.3M followers sa Facebook.

Recently nga ay nag-post ang dalawang doktor sa kani-kanilang social media accounts ng selfies kasama ang cast ng programa kabilang ang bida rito na si Dra. Analyn Santos (Jillian Ward).

Ano kaya ang magiging papel nila sa buhay ng youngest doctor sa bansa? Sila ba ay magiging kaaway o kakampi ni Dra. Analyn?

Samantala, talagang marami ang sumusubaybay sa inspiring na kwento ng mag-inang sina Lyneth (Carmina Villarroel) at Analyn dahil mayroon nang 513M views on TikTok ang serye! Mula October 10-17, nananatili rin itong no. 1 Kapuso show sa YouTube with more than 20M views habang more than 300,000 views naman sa website ng GMA Network.

Salamat, mga Kapuso! Manatiling nakatutok sa Abot Kamay Na Pangarap, Lunes hanggang Sabado, 2:30 PM sa GMA Afternoon Prime.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...