‘We K-Pop’ at ‘K-Rush,’ mapapanood na sa Hallypop

Philippine EntertainmentMarch 10, 2021

Tiyak na matutuwa ang Korean entertainment fans dahil hindi lang isa kundi dalawang bagong programa ang handog ng GMA digital TV channel na Hallypop ngayong Marso.

Simula ngayong araw (March 9), mapapanood na sa nangungunang Asian pop culture digital TV channel sa Pilipinas ang variety program na ‘We K-Pop’ hosted by Nichkhun ng 2PM, Inseong ng SF9, Seungmin ng Stray Kids, at Shinyoung ng Celeb Five. Bibigyan ng apat na Korean heartthrobs ng pagkakataon ang mga tagahanga na mas makilala pa ang kanilang favorite K-Pop artists. Abangan ang fresh episodes ng programa tuwing Martes, 6pm, at replays tuwing Miyerkules, 3pm.

Samantala, mapapanood naman sa ‘K-Rush’ ang latest news at trends tungkol sa mga sikat na Korean stars pati na rin ang mga kilalang lugar sa Korea. Tutukan ang fresh episodes nito tuwing Huwebes, 6pm, at replays tuwing Biyernes, 3pm.

Huwag palampasin ang ‘We K-Pop’ at ‘K-Rush’ sa Hallypop sa GMA Affordabox, GMA Now, at iba pang digital TV receivers.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...