Joross Gamboa, tuloy ang paghihintay sa sagot ni Roxanne Guinoo sa ‘Hoy, Love You’ sa Kapamilya Channel - TrueID

Joross Gamboa, tuloy ang paghihintay sa sagot ni Roxanne Guinoo sa ‘Hoy, Love You’ sa Kapamilya Channel

Philippine EntertainmentAugust 18, 2021

Bigo pa rin si Jules (Joross Gamboa) na makuha ang sagot ni Marge (Roxanne Guinoo-Yap) sa kanyang romantikong proposal sa kabila ng panunuyo at panghaharana niya sa “Hoy, Love You” sa Kapamilya Channel at A2Z.

Tuwing magkakasama sila, palaging may dumarating kaya nauudlot ang kanilang pag-uusap tungkol sa estado ng kanilang relasyon.

Noong Sabado (Agosto 14), naibunyag na ang lihim ni Charles (Aljon Mendoza) tungkol sa kanilang matagal nang ugnayan ng amang si Richard (Dominic Ochoa), na kaya pala hindi nakabalik sa Pilipinas ay naloko ng ka-negosyo at napilitang magpakasal sa inaalagaan niyang pasyente sa UK.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...