Kim Chiu, nagpasiklab sa unang taon sa ‘It’s Showtime’ - TrueID

Kim Chiu, nagpasiklab sa unang taon sa ‘It’s Showtime’

Philippine EntertainmentOctober 26, 2021

Isang trending at pasabog na performance ang ipinamalas ni Kim Chiu sa kanyang unang taon bilang host sa programa sa pagsayaw niya ng Chinese instrumental song hanggang sa pagsayaw ng Wrecking Ball ni Miley Cyrus habang may pa rain shower effect noong Sabado (Okt. 23) sa “It’s Showtime.”

Inamin ni Kim sa kanyang unang anibersaryo sa “It’s Showtime” na hindi niya inakalang tatagal siya ng isang taon sa noontime show ngunit nalagpasan niya ito at masaya siya na ngayon na nakakapagbigay inspirasyon at saya siya sa madlang pipol.

“It’s a roller coaster ride of emotions pero mahilig ako sa extreme rides. I’m here for the ride sa harap pa ako nakaupo. Ang daming nangyari. Hindi ko alam na aabot ako dito ng isang taon sa ‘It’s Showtime.’ Ang daming balakid pero ito tayo nakangiti. Ganoon talaga kapag may pinagdadaanan, dadaanan lang. Kaya tuloy ang buhay, tuloy ang pagbibigay saya,”saad niya.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...