Dating ‘TNT’ Contestant, Vlogger, CEO, at Student Achiever, magiging houseguests ni Kuya

Philippine EntertainmentFebruary 28, 2021

May pasabog na naman na magaganap sa loob ng bahay ni Kuya sa susunod na mga araw dahil nalaman na ang official houseguests na makakasama ng housemates para sa isang espesyal na task sa “PBB Connect.”

Sina Christian Bahaya at Russco Jarvina ang nagtagumpay sa online tasks ni Kuya sa ginawang “PBB Connect Online Bahay Ni Kuya” sa Kumu, kung saan silang dalawa ang may pinakamaraming nalikom na diamonds na 32.1 milyon at 27.5 milyon na diamonds.

Tubong Kiblawan, Davao del Sur si Christian na mahilig ipamalas ang kanyang galing sa pagkanta sa pagsali sa mga kompetisyon. Sa katunayan, naging “Tawag ng Tanghalan” Season 2 semi-finalist si Christian at pumasok din siya sa top 15 ng “Your Moment” kasama ang kanyang boy group na COVE.

Samantala, isang YouTube vlogger at basketball player naman ang 18-anyos na si Russco. Hilig din niya ang pagti-TikTok at pagva-vlog sa YouTube. Sa katunayan, iniidolo ni Russco sina Daniel Padilla, Enrique Gil, at James Reid.

Papasok din sa buhay ni Kuya ang dalawang nakakuha ng maraming diamonds noong “PBB Kumunect ng mga Housemates.” Ito ay sina Glenda Dela Cruz Victorio (95.9 million diamonds) at Dale Patrick Chua (71.2 million diamonds).

Young CEO ng isang cosmetics at skincare brand si Glenda na may dalawang anak. Kahit maraming naging pagsubok sa kanyang buhay, patunay si Glenda na posibleng makaahon sa hirap kapag may determinasyon at lakas ng loob. Napili din siya bilang isa sa top 15 Inspiring Negosyante ng Go Negosyo.

Student achiever naman ang 17-anyos na si Dale. Consistent honor student si Dale mula pa noong grade school at isa rin siyang basketball varsity player. Nag-aaral siya ng kursong accountancy bilang pangarap niyang maging businessman tulad ng mga magulang.

Sa kasalukuyan, kinukumpleto nina Christian, Russco, Glenda, at Dale ang mandatory 14-day quarantine bago makapasok sa bahay ni Kuya. Anong task kaya ang gagawin ng official houseguests kasama ang housemates?

Tutukan iyan at iba pang mga pangyayari sa “PBB Connect,” 10 pm tuwing Lunes hanggang Sabado sa A2Z channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at ABS-CBN Entertainment Channel. Samahan din sina Bianca at Robi sa “PBB KUMUnect Tayo” ng 10 pm (Lunes hanggang Sabado) at 8:30 pm (Linggo) at sina Melai at Enchong sa “PBB KUMUnect Tayo Afternoon Show” ng 5 pm sa PBB Kumu account (https://app.kumu.ph/PBBabscbn). Abangan din ang updates ni Richard anumang oras sa araw sa “PBB” official accounts sa Facebook (PBBABSCBNTV), Twitter (PBBABSCBN), Instagram (PBBABSCBNTV), at YouTube (Pinoy Big Brother).

Read More
Loading...
Loading...
Loading...