‘MMK’ may 30th anniversary treat sa ‘ASAP Natin ‘To’ - TrueID

‘MMK’ may 30th anniversary treat sa ‘ASAP Natin ‘To’

Philippine EntertainmentOctober 18, 2021

Unlimited ang saya dahil sa mga inihandang world-class treat ng mga paborito ninyong Kapamilya idol, tulad ng “10Q” kick-off ni Angeline Quinto, King of Pop transformation ni Darren, new single performance mula sa BINI, at ang engrandeng 30th-anniversary celebration ng “Maalaala Mo Kaya” ngayong Linggo (Oktubre 17) sa “ASAP Natin ‘To” sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Huwag palampasin ang engrandeng 30th anniversary celebration ng Asia’s longest-running drama anthology series na “Maalaala Mo Kaya” sa pangunguna ng new theme song rendition ni JM Yosures, at ang inspiring kantahan kasama ang OPM idols na sina Ogie Alcasid, Erik Santos, Kyla, Darren, KZ, Klarisse de Guzman, Jason Dy, Nina, Zsa Zsa Padilla, at Regine Velasquez na may kasamang special guest appearance pa mula kay Charo Santos-Concio.

Aarangkada ang “10Q” treat ng Power Diva na si Angeline Quinto sa kanyang kick-off number kasama ang singing champions na sina Erik Santos, Jed Madela, Elha Nympha, Jason Dy, Janine Berdin, JM Yosures, at Yeng Constantino. Tuloy-tuloy rin ang kantahan sa New-Gen Birit sing-off nina Reiven Umali, Lara Maigue, Sam Mangubat, Anthony Castillo, at Sheena Belarmino.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...