Mga Kapamilya, umani ng parangal sa 23rd Gawad Pasado at Gawad PCU - TrueID

Mga Kapamilya, umani ng parangal sa 23rd Gawad Pasado at Gawad PCU

Philippine EntertainmentOctober 15, 2021

Sari-saring parangal ang iginawad ng akademya sa mga personalidad mula sa ABS-CBN para sa kanilang husay sa kanilang larangan at mga adbokasiya.

Sa 23rd Gawad PASADO noong Sabado (Oktubre 9), kinilala bilang PinakaPASADONG Aktor sa Pelikula at sa Telebisyon si Paulo Avelino para sa pelikulang “Fan Girl” at teleseryeng “Walang Hanggang Paalam,” na nagwagi namang PinakaPASADONG Programa sa Telebisyon.

Pinarangalan din si Jodi Sta. Maria bilang PinakaPASADONG Aktres sa Telebisyon para sa “Ang Sa Iyo Ay Akin,” habang PinakaPASADONG Mamamahayag sa Larangan ng Kamalayang Pilipino (Radyo at Telebisyon) ang “TV Patrol” at “Lingkod Kapamilya” anchor na si Bernadette Sembrano.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...