‘Dayaw,’ patuloy sa pagsulong sa pamanang Pilipino sa bagong season sa ABS-CBN News Channel (ANC) - TrueID

‘Dayaw,’ patuloy sa pagsulong sa pamanang Pilipino sa bagong season sa ABS-CBN News Channel (ANC)

Philippine EntertainmentAugust 26, 2021

Patuloy ang misyon ng premyadong documentary series na “Dayaw” na ipalaganap ang kultura at pamanang Pilipino sa ika-labing-isa nitong season sa ANC, the ABS-CBN News Channel, ngayong Agosto.

Mula 2015, itinatampok na sa produksyong ito ng ANC at National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang mga kagawian, tradisyon, at kultura ng mga iba’t-ibang grupo ng indigenous peoples sa bansa sa pangunguna ni three-term senator, at ngayo’y House deputy speaker at Antique congresswoman, Loren Legarda, na siyang nakaisip na gawin ang programa.

Ani Loren, layunin talaga ng “Dayaw” ang ma-dokumento ang maraming aspekto ng kultura at kaalamang katutubo para manatili itong buhay at naisasapuso ng mga susunod na henerasyon.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...