Kim Chiu at Xian Lim, balik-tambalan sa kanilang pinakahihintay na big screen reunion na ‘Always’ - TrueID

Kim Chiu at Xian Lim, balik-tambalan sa kanilang pinakahihintay na big screen reunion na ‘Always’

Philippine EntertainmentSeptember 15, 2022

Muli tayong pakikiligin at sasaktan ng isa sa pinakasikat na love team sa bansa, Kim Chiu and Xian Lim, sa kanilang pinakahihintay na big screen reunion. Mapapanood na sa mga sinehan sa buong bansa ang adaptation ng hit Korean move na ALWAYS ngayong September 28, 2022 pero ngayon pa lang, hindi na magkamayaw ang mga tao sa kakaibing byahe ng pag-ibig na ipapakita sa atin ng KimXi.

Ang Always ay pinagbibidahan ng sikat na Korean film and TV stars na sina Jo Ji-Sub (Oh My Venus, Doctor Lawyer) and Han Hyo-Joo (Dong Yi, W). May ilang adaptations na rin ito sa ibang bansa gaya ng Turkey, India at Japan. Ito ay isang romantic drama movie tungkol sa dalawang taong may magkaibang pananaw sa buhay, na parehas na winasak ng malupit na mundo.

Paglalapitin sila ng tadhana at pagkakataon, dahil sa pagpunta ni Anna (Kim Chiu), isang bulag, sa tambayan nitong parking booth para makipagkwentuhan sana sa kaibigan nitong si Tang, ay iba na palang attendant ang nakapwesto rito, si Lino (Xian Lim), isang dating boksingero na misteryoso at mukhang may malalim na pinagdadaanan.

Kahit na masungit at hindi naging maganda ang pakikitungo ni Lino ay hindi pa rin aalis si Anna at babalik pa nga sa mga susunod pang mga gabi para tumambay sa parking booth ni Lino. Sa pagitan ng mga matipid na kwentuhan at pinagsasaluhang pagkain, unti-unting magiging komportable si Lino kay Anna at magiging magaan ang pakiramdam niya sa dalaga, isang bagay na matagal na niyang hindi nararamdaman.

Sa paglipas ng mga araw, mas magiging mapag-alala at mas maalaga si Lino kay Anna, at parehas nang mahuhulog ang loob nila sa isa’t isa. Pero ang nagsisimula pa lang nilang pag-ibig ay agad na susubukin dahil sa madilim na nakaraan ni Lino at mga pansarili nitong problema. Iiwan niyang mag-isa si Anna, na puno ng mga tanong kung bakit ganto ang nangyari sa kanila.

Muli bang magtatagpo ang kanilang landas at madugtungan ang kanilang pagmamahalan?

Binahagi nina Kim at Xian ang kanilang excitement para sa reunion project na ito, nag-post si Xian sa kanyang instagram account na may caption na, “I missed you [Kim Chiu]. After 8 years, we’re back on the big screen.” Nag-post din si Kim sa kanyang account at may caption naman na, “Finally. Missed sharing the screen with you [Xian Lim].”

Kahit madalas na tayong kiligin sa mga sweet posts nila sa social media tungkol sa isa’t isa, matagal na rin mula nang makitang magkasama ang dalawa sa iisang project. Pero ngayon, the long wait is finally over dahil ready na sina Kim at Xian na ibahagi ang one-of-a-kind story na gagawin at ibibigay ang lahat para sa pag-ibig.

Ang Always ay adapted into screenplay by award-winning writer, Mel Mendoza- Del Rosario, at sa direksyon ng batikang direktor na si Dado C. Lumibao.

Produced by Viva Films, see, hear, and love in all ways, Always, sa mga sinehan ngayong September 28, 2022.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...