Lovi Poe, Zanjoe Marudo, nominado sa Gawad Urian para sa ‘Malaya’ ng iWantTFC - TrueID

Lovi Poe, Zanjoe Marudo, nominado sa Gawad Urian para sa ‘Malaya’ ng iWantTFC

Philippine EntertainmentSeptember 3, 2021

Nakakuha ng apat na nominasyon sa prestihiyosong 44th Gawad Urian Awards ang iWantTFC original movie na “Malaya,” kabilang na ang dalawang pagkilala para kina Lovi Poe and Zanjoe Marudo.

Nominado sina Lovi at Zanjoe sa Best Actress at Best Actor categories para sa pagganap nila sa mga karakter nina Malaya at Iago, dalawang overseas Filipinos na magkakakilala sa Italy na parehong matayog ang pangarap at naghahangad ng mas magandang buhay.

Lalaban din ang “Malaya” sa Best Cinematography para kay McCoy Tarnate at sa Best Production Design naman para kay Jay Custodio.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...