Gerald Anderson, kinutuban na si JM de Guzman ang nagtangka sa kanyang buhay sa ‘Init Sa Magdamag’ - TrueID

Gerald Anderson, kinutuban na si JM de Guzman ang nagtangka sa kanyang buhay sa ‘Init Sa Magdamag’

Philippine EntertainmentAugust 16, 2021

Malakas na ang kutob ni Tupe (Gerald Anderson) na si Peterson (JM de Guzman) ang bumaril sa kanya matapos magkasagutan sa binyag ng anak sa nalalapit na pagtatapos ng “Init sa Magdamag,” na napapanood gabi-gabi sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, at Jeepney TV.

Tansta niya na nakuha ni Peterson ito matapos tumakas noong gabing siya’y binaril. Nagkasagutan ang dalawa nang paalalahanan ni Peterson si Tupe na siya pa rin ang asawa ni Rita at dapat nitong lumugar. Binangga niya ito at napatid naman siya sa silya kaya nakita ni Tupe at Rita ang kanyang sugat.

Bago pa man nangyari ang sagutan, agaw-eksena na si Peterson sa binyagan. Nang tanungin kasi ng pari kung sino ang tatay ni Andrew ay agad niyang sinagot na siya iyon. Hindi pa nakuntento dito si Peterson—pinahiya rin niya si Tupe sa handaan na ikinagulat ng lahat ng bisita.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...