Erich Gonzales, binulabog sina Agot Isidro at Raymond Bagatsing, JC de Vera napahiya sa ‘La Vida Lena’ - TrueID

Erich Gonzales, binulabog sina Agot Isidro at Raymond Bagatsing, JC de Vera napahiya sa ‘La Vida Lena’

Philippine EntertainmentAugust 25, 2021

Natikman na ng mga kaaway ni Lena (Erich Gonzales) ang unang hagupit ng kanyang paghihiganti matapos niyang ilantad ang bago niyang mukha at bulabugin ng mga sunod-sunod na rebelasyon sina Adrian, Vanessa, at Lucas (JC De Vera, Agot Isidro, at Raymond Bagatsing) sa “La Vida Lena,” na napapanood gabi-gabi sa TV5, A2Z, at Kapamilya Channel.

Matinding kahihiyan ang inabot ni Adrian sa mga magulang niyang sina Vanessa at Lucas nang malaman niyang ang ipinakilala niyang kasintahang si Lena ay si Magda, ang babaeng matagal nang kaaway ng pamilya nila na nagparetoke ng mukha. Bukod sa paglalantad ni Lena, nasindak din ang mag-asawang Narciso sa rebelasyon ni Lena na pinagbubuntis niya ang apo nila.

Hindi pa nagtapos doon ang pang-iiskandalo ni Lena dahil maging ang nakaraan nila ni Miguel (Kit Thompson) ay ibinulgar niya sa asawa nitong si Rachel (Sofia Andres). Talagang ipinamukha ni Lena kay Rachel na niligawan at nabuntis pa siya ni Miguel para makapagpasipsip ito sa makapangyarihan nilang pamilya.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...