‘Babalik Sa’yo’ ni Moira dela Torre at sing-off nina Zsa Zsa Padilla at Regine Velasquez kasama sina Anji Salvacion, Alexa Ilacad, Belle Mariano at Maymay Entrata, lalarga ngayong Linggo sa ‘ASAP Natin ‘To’ - TrueID

‘Babalik Sa’yo’ ni Moira dela Torre at sing-off nina Zsa Zsa Padilla at Regine Velasquez kasama sina Anji Salvacion, Alexa Ilacad, Belle Mariano at Maymay Entrata, lalarga ngayong Linggo sa ‘ASAP Natin ‘To’

Philippine EntertainmentOctober 1, 2022

Salubungin natin ang October weekend kasama ang inyong paboritong Kapamilya stars at guest artists ngayong Linggo (Oktubre 2) sa “ASAP Natin ‘To” sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Maki-sing along kasama si Moira dela Torre, tampok ang kanyang bagong single na “Babalik Sa’yo.” Biritan to-the-max din sa ’90s kantahan nina Zsa Zsa Padilla at Regine Velasquez kasama sina Anji Salvacion, Alexa Ilacad, Belle Mariano, at Maymay Entrata.

Hindi rin pahuhuli ang panibagong collab nina Morissette at Bamboo sa ASAP stage, habang may mainit-init namang rockoustic treat ang singinging heartthrobs na sina KD Estrada at Kice.

Mamangha naman sa mahikang hatid nina Enchong Dee, AC Bonifacio, Francine Diaz, Chie Filomeno, Janine Berdin, Sheena Belarmino, Joao Constancia, Jameson Blake, Jeremy G, Jin Macapagal, MNL48, Manoeuvres Ignite, at ng buong “ASAP Natin ‘To” family kasama si Robi Domingo.

Bilang selebrasyon sa kanyang ika-35 taon sa showbiz, maki-jamming naman kasama ang acoustic icon na si Ice Seguerra kasama sina Martin Nievera, Ogie Alcasid, Darren, at ang Idol PH Season 2 finalists na sina Bryan, Ann Raniel, Ryssi, and Drei.

May welcome pasabog din ang stars ng “Tara, G!” na sina Vivoree Esclito, Kaori Oinuma, Daniella Stranner, Anthony Jennings, JC Alcantara, CJ Salonga, at Zach Castañeda kasabay ang The Juans.

Magaala-Diyosa rin sa paghataw ang ASAP dance royalty na si Kim Chiu kasama ang D’Grind, at abangan ang P-Pop pasabog ng BINI kasama ang Pinoy rapper na si Kritiko.

At huwag palampasin ang good vibes duet showdown nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez kasama sina Khimo Gumatay, JM Yosures, Klarisse de Guzman, Jason Dy, Laine, at Jed Madela sa “The Greatest Showdown.”

Tara at maki-party na sa bigating pa-concert ng longest-running musical variety show sa bansa, ang “ASAP Natin ‘To,” ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...