Boyet de Leon, papatayin na sa ‘Huwag Kang Mangamba’? - TrueID

Boyet de Leon, papatayin na sa ‘Huwag Kang Mangamba’?

Philippine EntertainmentOctober 16, 2021

Kumpirmadong kakampi nga ni Mira (Andrea Brillantes) si Elias (Christopher de Leon) matapos nitong iligtas ang buhay niya mula sa kamatayan sa “Huwag Kang Mangamba,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Naibunyag na isa palang undercover police officer si Elias na naatasang imbestigahan ang sindikatong umampon kay Mira kaya planado mula umpisa ang pagdating niya sa grupo.

Pansamantalang namatay si Elias sa engkwentro niya sa mga lider ng sindikato na sina Thelma at Armand (Andrea del Rosario at Richard Quan) habang itinatakas niya si Mira. Ngunit hindi rin ito nagtagal pagtapos niyang mabuhay dahil sa paghihimala ni Bro.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...