Jay Arcilla, aminadong naging pilyo noong bata pa - TrueID

Jay Arcilla, aminadong naging pilyo noong bata pa

Philippine EntertainmentJuly 17, 2021

Gaganap bilang pilyo at mapang-asar na estudyante ang Kapuso actor na si Jay Arcilla sa upcoming prequel ng award-winning at well-loved family sitcom na ‘Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento’ na magsisimula na ngayong Sabado, July 17.

Kuwento ni Jay sa nakaraang interview, medyo relate raw siya sa kaniyang karakter sa show bilang Eric dahil makulit din siya noong high school, “Ang characters namin ni Kristoffer [Martin] dito, mga pilyong estudyante kami. Dati, naranasan ko ring mang-asar and naranasan ko rin na ako ‘yung inaasar. Ibang-iba kasi before ‘yung naranasan namin noong 90’s. Pero hindi naman sobrang lala na nakakapag-paiyak ako!”

Malapit na malapit nang matunghayan sa TV kung paano nagsimula ang lahat sa ‘Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento’ kaya huwag na huwag itong palalampasin, ngayong Sabado, pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa GMA.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...