Rocco Nacino at Melissa Gohing, winelcome ang kanilang baby boy! - TrueID

Rocco Nacino at Melissa Gohing, winelcome ang kanilang baby boy!

Philippine EntertainmentOctober 15, 2022

Very happy ang first-time parents na sina Rocco Nacino at Melissa Gohing matapos ma-meet finally ang kanilang baby boy na si Ezren Raffaello!

Kwento ng Sparkle star, nag-emergency CS ang kanyang misis noong Linggo (October 9) matapos na biglang mag-break ang water bag nito habang papunta sila sa isang family gathering.

Worth it naman ang paghihintay ng mag-asawa kay Baby EZ na very healthy at 7.48 pounds! Safe at nagpapahinga na rin daw si Mommy Mel habang daddy/nurse mode naman si Rocco. “Inaalalayan ko siyang tumayo at maglakad kasi sobrang sakit. Hanga ako sa mga mommy lalo na ‘yung mga nag-CS. Sobrang mapapagod ka, mainit ulo mo pero kapag nakita mo ‘yung anak mo na nakatingin sayo at binuhat mo na, nawawala ‘yung pagod,” say ni Rocco sa kanyang panayam sa 24 Oras.

Ibinahagi ng mag-asawa ang iba pang behind-the-scenes ng kanilang parenting journey sa kanilang YouTube channel na ‘Life with the Nacinos.’

Samantala, mapapanood na rin soon ang kakaiba at iconic na karakter ni Rocco bilang Elias sa hit GMA primetime series na ‘Maria Clara at Ibarra.’ Ayon kay Rocco, “Ise-settle ko muna ‘yung mag-ina ko sa bahay, aalagaan sila tapos kailangan ko nang lumarga kasi malapit nang maipakilala si Elias sa istorya ng Noli Me Tangere.”

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...