Ina, parang hindi 45 ang hitsura ng katawan

Philstar
December 12, 2020

Birthday ni Ina Raymundo noong Wednesday. Bale 45 years old na ang sexy actress.

Kasamang nag-celebrate ni Ina at ng mister niyang si Brian Portunak ang lima nilang mga anak.

Dahil pandemic pa rin, hindi nagpa-party si Ina. May small catering lang sa bahay nila at bukod sa kanyang pamilya, nag-join lang sa kanila ang manager niyang si Paula Punla at tatlong close friends.

Bale wedding anniversary rin nila ng kanyang mister ang araw na ‘yon. Sabi nga ni Ina, usually, magkasama sila ng mister na nagse-celebrate somewhere ng kanilang anniversary, pero dahil sa kasalukuyang health crisis, sa bahay lang muna sila.

Siyanga pala, at 45, seksing-sexy pa rin si Ina, kaya naman maraming bilib sa kanya. Grabe rin kasi ang kanyang pagda-diet, exercise and weight training.

Naku, Ateng Salve, parang ikaw rin si Ina pagdating sa pagkain, sobrang behaved, ‘noh?! Sana katulad n’yo ako.

Anak ni Sen. Manny, iniisyuhan sa mga anak ni Ruffa

Ang mga fan talaga, Salve, ang bilis umandar ng mga isipan!

Dahil nakita nila ang pictures ng pagdalaw ng mag-iinang Ruffa, Lorin at Venice Gutierrez sa bahay ng mga Pacquiao sa Makati City, biglang gustong i-loveteam ang mga anak ng aktres kay Jimuel Pacquiao.

Anyway, sa bahay nga nina Senator Manny at Jinkee Pacquiao nag-dinner noong Wednesday sina Ruffa, Lorin at Venice, kasama ang Gutierrez matriarch na si Annabelle Rama.

Then may ibang mga fan ang nagsasabing bagay si Lorin kay Jimuel. Ang iba naman, sinasabing kay Venice bagay ang binata nina Manny at Jinkee.

Pero siyempre, ganoon naman ang mga fan, mahilig mag-link.

Anyway, tsinika ko kahapon si Ruffa tungkol sa pagdalaw nila sa bahay ng mga Pacquiao at sinabing nagkayayaan lang daw sila na mag-dinner.

Bale Japanese cuisine ang inihanda ng mga Pacquiao para sa pagdalaw na ‘yon nina Ruffa. “Noon pa naman, close ang pamilya namin kina Senator Manny and Jinkee, kaya paminsan-minsan, dumadalaw naman kami.

“They’re so nice naman kasi! Tuwing may ­boxing fight nga si Senator Pacquiao, madalas na nakakapanood ang pamilya namin.

“I wanna watch nga his next boxing fight!” sabi ni Ruffa.

Ang brother ni Ruffa na si Elvis Gutierrez, sobrang fan ng Pambansang Kamao at sa katunayan, lahat ng tickets sa boxing fights ni Manny na nanood ito ay itinabi niya. “Pinapirmahan talaga ni Elvis kay Senator Manny. He kept all the tickets pala. Bongga si Elvis!” sey ni Ruffa.


Related News

Explore more categories