Jinkee may disclaimer sa social distancing sa birthday party ni Sen. Manny

Philstar
December 19, 2020

May disclaimer si Jinkee Pacquiao na naka-face mask ang friends and family na naki-celebrate ng 42nd birthday ni Sen. Manny Pacquiao sa GenSan two days ago.

May mga pumuna kasing walang social distancing at big gathering ang naganap samantalang bawal pa rin ito.

“Manny @42 @mannypacquiao God is good!

“(Naka-face masks po lahat ang friends and family)” post ni Madam Jinkee sa blowing of candle photo ni Sen. Manny.

Modified general community quarantine (MGCQ) until Dec. 31 pa rin ang General Santos.

Umabot sa almost one thousand ang kaso ng COVID sa probin­sya ni Pacman na maingay ang issue na kakandidato itong presidente sa 2022 na diumano’y suportado ng Chinese business magnate na si Jack Ma.

Nauna nang kinumpirma ni Cong. Lito Atienza na matagal nang plano ni Sen. Manny na maging presidente ng Pilipinas.

Mga nagsisimba online, mas dumami pa

“Nakumpleto mo nga ang simbang gabi, wala ka namang panlasa sa noche buena,” ang running joke kahapon sa social media.

At alam na ang meaning noon.

Though marami talagang ayaw sirain ang tradition na pagsisimba ng madaling araw o simbang gabi, pero mas marami ang takot pa ring makipaghalubilo sa maraming tao.

At proof dito ang dami ng mga nanonood ng simbang gabi sa mga Facebook live ng simbang gabi ng iba’t ibang mga simbahan.

Ang Manila Cathedral umaabot sa 12,000 ang live viewers pero box office ang Quiapo church dahil more than 20,000 ang nanonood sa kanila ng live sa madaling araw.

Halos lahat din ng mga simbahan ay may anticipated mass sa na may live airing din sa Facebook.

Meron sa Metro channel si Fr. Tito Caluag na may reply pa in the morning, 8 a.m. sa Metro channel din.

Pero winner ang sa Diocesan Shrine of Jesus the Divine Word sa E. Rodriguez in Quezon City dahil nag-offer sila ng drive-in simbang gabi na balitang dinagdagsa rin.

Mas maraming naging prayerful ngayong may pandemic na almost nine months kaya talagang marami ang mga nanonood at sumasali sa mga mass via Facebook.

Anyway, five days before Christmas na lang at in all fairness, dama ang Christmas rush dahil ang daming ganap virtually at marami na ring hindi takot lumabas para mamili.

Hindi pa rin kasi talaga advisable ang physical mass gathering dahil dumarami uli ang naghahawa ng virus.

So far malabo pang magkaroon ng vaccine ang Pilipinas sa mga kaganapan sa balita.


Related News

Explore more categories