Sa Baguio nag-New Year? Gerald at Julia, hinihintay kung aamin na ngayong Bagong Taon

Philstar
January 4, 2021

Isa rin sa inaabangan ngayong 2021 ay kung aamin na officially sina Gerald Anderson and Julia Barretto.

Sinasabing magkasama sila sa Baguio na nag-celebrate ng Bagong Taon.

Nag-viral pa nga ang photo raw ng isang fan na nagpa-selfie kay Julia na may kasamang emote.

Actually, hindi na diumano bago ang issue na nakikita silang magkasama sa iisang lugar. Very 2020 na.

‘Yun nga lang, hindi raw puwedeng magpa-picture sa kanila na magkasama.

Dapat daw lagi silang magkahiwalay.

Pero ayun nga, base sa mga post ni Marjorie Barretto, sila ang kasama ni Julia at hindi si Gerald nung holiday season.

Post ni Marjorie : “Going up to Baguio to cele­brate New Year’s Eve was truly the best way to end 2020. It was a trip to remember. It was good for my soul. Restart, reset, recharged. God is good,” na kasama ang mga anak.

Tamang duda lang ang followers ni Ge­rald dahil wala nga siyang post na kasama si Julia though nasa same spot daw ng photos ni Julia and Gerald.

Walang inaamin hanggang ngayon ang dalawa kahit sila na nga raw ayon sa mara­ming source.

Samantala, inaabangan din kung anong mangyayari kay Jay Sonza matapos itong ireklamo ni Julia sa NBI.

“Ang dami ko na kasing pinagdaaan, ang dami ko nang pinalampas lalo na sa social media, binastos na ang reputation ko, ang pangalan ko. You know, I think I just want to show people na hindi ko na pinapalampas ‘yung mga bagay na ganito,” sabi ni Julia sa interview matapos ireklamo si Sonza sa NBI sa pagtsi-chimis nito diumano’y preggy siya.


Related News

Explore more categories