Career ni Ellen, nabuhay kay John Lloyd

Philstar
January 10, 2021

Maituturing na masuwerte pa rin si Ellen Adarna nang na-involve siya kay John Lloyd Cruz. Hindi nga nagtagal ang kanilang relasyon, nagkaroon naman sila ng anak at nakikitang malaki na ang nabago nito sa pagkatao ng sexy actress.

Nagmukhang star si Ellen nang makarelasyon si Lloydie lalo na’t iniwan ng aktor ang pag-aartista alang-alang sa kanya. Ngayong natapos na ang kanilang relasyon, unti-unti nang bumabalik sa showbiz si John Lloyd at meron na ngang binubuong programa para sa kanya para sa TV5.

Pero bongga rin si Ellen dahil hindi naman siya big star bago naging sila ni John Lloyd. Ngayon pagkatapos niyang manganak, kinuha siyang endorser ng Kamiseta Skin Care Clinic. Ang dinig ko bongga ang talent fee niya roon para sa naturang endorsement.

May nabuo na ring sitcom para sa TV5 na pagsasamahan nila ni John Estrada. Pinamagatan itong John en Ellen na ila-line produce ng Ichthus Boy Media Production na pag-aari rin ni John na nakakatawid ngayon sa GMA 7 at TV5.

May ginagawa siyang drama series sa Kapuso network at  sitcom naman sa TV5. Nagulat nga ako na pinayagan siya ng GMA 7, kahit may commitment siyang drama series sa kanila.

Bago matapos ang buwang ito ay magsisimula na ang kanilang John en Ellen sa TV5.

Enhancer sa pagluluto dinepensa nina Iya at Jose

Simula kahapon ay napapanood na sa GMA 7 ang 10-minute cooking show ng Ajinomoto na hinu-host nina Iya Villania at Chef Jose Sarasola na Eat Well, Live Well, Stay Well tuwing Biyernes ng 11:20 ng umaga bago mag-Eat Bulaga.

Kakaibang cooking show daw ito nina Mamazing Iya at Chef Jose  na sa loob ng sampung minuto ay masasagot ang ilang common problems sa kusina, lalo na sa pagluluto para sa ating pamilya.

Proud nga si Iya na nakukuwento niyang may mga alam na siyang mga luto na naa-appreciate ng mommy niya na napakaga­ling daw sa pagluluto.

Swak na swak din si Jose na napapanood araw-araw sa Unang Hirit na nagbibigay ng mga tip ng tamang pagluluto. Sabi nga ni Jose, in order to eat well, live well and stay well, dapat simulan daw ito sa ating kusina.

Bilang sa Ajinomoto nga itong bagong cooking show na ito, nilinaw na rin nina Iya at Chef Jose ang misconception na hindi healthy ang maglahok ng vetsin o MSG sa ating mga lutuin.

Sabi ni Chef Jose; “I just want to give the viewers the misconception na parang ang vetsin o MSG is bad for you. Actually, Ajinomoto really adds really more flavor to your dishes.

Dagdag ni Iya; “We wanna change that misconception na parang ang MSG is bad for you. It’s really a good balance of everything. A good balance of wor­king out. A good balance of eating well. A good balance of enjoying also your food even if it’s a little bit of the stuff that we’re not supposed to be indulging in too much. So, I think for me that’s what it is.”

The Boy... sa MMFF, tagumpay

Maituturing na isa sa successful sa nakaraang MMFF ay ang BL movie na The Boy Foretold by the Stars.

Hindi maitatangging namamayagpag pa rin talaga ang mga BL movie at series kaya ibinabalik ng POP TV ang mga magagandang pelikulang may temang pang-LGBTQIA gaya ng Die Beautiful, The Third Party, Kasal at pati ang mga comedy films na Bekikang, Bakit Lahat ng Gwapo may Boyfriend, at Working Beks.

Tiyak na ikatutuwa rin ng mga beki ang pagbabalik ng mga kontrobersyal at talagang naglikha ng ingay na mga pelikulang Daybreak ni Coco Martin, Ang Lalaki sa Parola at Ang Lihim ni Antonio na parehong dinirek ni Jay Altarejos.

Dagdag pa rito ang critically-acclaimed indie films na 2 Cool 2 Be Forgotten nina Khalil Ramos at Jameson Blake, Esprit de Corps ni JC Santos, Chedeng at Apple nina Gloria Diaz at Elizabeth Oropesa at Baka Bukas ni Jasmine Curtis-Smith.


Related News

Explore more categories