Miho, nag-saleslady muna sa Japan

Philstar
January 10, 2021

Alam mo, Ateng Salve, naalala ko ang isang dating sexy actress sa kuwento ng buhay ngayon ng Pinoy Big Brother alumna na si Miho Nishida.

Noong 80’s kasi, biglang lumipad pa-Amerika ang sexy actress na ‘yon at ang balita nga ay naging saleslady sa cosmetics section ng isang kilalang department store sa New York City.

Si Miho naman kasi, nitong panahon ng COVID-19 pandemic, walang projects at literal na nganga lang sila ng anak niyang si Aimi sa kanilang condominium unit kasama ang kanyang nanay. May mangilan-ngilang social media postings si Miho na pinagkakakitaan dahil marami siyang followers na sumusuporta sa mga produktong pino-post niya, pero hindi naman sapat ‘yon.

Nagbenta rin ng ilang mga produkto online si Miho para may panggastos sila kahit paano, pero kulang pa rin naman, kaya nagdesisyon siyang bumalik sa Japan.

Half Japanese, half Pinay si Miho at sa Japan siya lumaki, kaya naman sanay siya roon. Alam niya na kung babalik siya roon ay madali siyang makakahanap ng trabaho.

Sa ngayon, nagwo-work nga siya bilang saleslady para sa isang cosmetics brand. Masaya naman siya dahil nagagawa niyang suportahan sa Philippines ang kanyang anak at nanay. Pero tuluyan na ba niyang iniwan ang Philippines?

Sabi ng manager niyang si Therese Ramos, hindi raw. “Babalik din naman siya. May inaayos lang kaming project at kapag sure na, babalikan niya ang pag-aartista. Pero nakakabilib nga si Miho dahil imbes na tumunganga sa condominium unit nila, talagang nagdesisyon siyang mag-saleslady muna sa Japan. Ganyan naman si Miho, hindi namimili ng trabaho para may ikabuhay sila ng kanyang anak at nanay,” sey pa ng manager nito.

Naku, sana nga, Ateng Salve, this 2021 ay suwertehin si Miho at magkaroon na talaga siya ng acting project dahil gusto talaga niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aartista!

ASAP, magla-live na uli

Sa January 7 pala ang COVID-19 swab test ng mga taga-ASAP Natin ‘To dahil on Sunday, live na naman ang nasabing Kapamilya show.

Ang mga kasama roon, naka-self quarantine na simula noong New Year’s day. So, bukod sa live, may tapings din silang gagawin.

Julia, nag-abroad na uli

Ang mga taga-Paano Ang Pangako? ng TV5, bukas na rin ang swab test. Next week na rin kasi ang balik-lock-in taping nila. Hindi na kasama rito si Julia Clarete dahil ayon sa isa sa producers at directors na si Perci Intalan, natapos nilang kunan ang lahat ng mga eksena nito sa book two ng nasabing series.

Nag-abroad na si Julia kasama ang kanyang pamilya bago mag-Christmas, kaya in-advance nang kunan ang kanyang mga eksena.

Samantala, sa pagsisimula mamayang 9:00 p.m. sa TV5 ng Paano ang Pangako?, may new theme song na rin sila. Kung si Jona ang kumanta ng theme song ng book one nila, si Sheryn Regis naman daw ang kumanta ng new theme song nila ngayon.

Bongga. ‘Yun na!


Related News

Explore more categories