Ellen aminadong hindi talaga compatible kay John Lloyd

Philstar
January 11, 2021

Kung gagawing pelikula kaya ang buhay ng flight attendant na nakitang walang buhay sa bathtub pagkatapos ng party with her gay friends, sino kaya ang puwedeng gumanap?

Hanggang sa paglilibing kay Christine Dacera kahapon ay tinutukan sa social media kaya talagang panonoorin ito kung sakali.

Pulisya pa ang may buhat sa casket niya.

May mga nagsasabing kamukha ito ni Ellen Adarna at kahit sa katawan daw ay parang pareho sila kaya puwedeng-puwede si Ellen.

Speaking of Ellen, huli man ay inamin pa rin nito sa isang magazine interview na hindi nga sila nag-match ni John Lloyd Cruz kaya sila naghiwalay.

“You know, we weren’t compatible, obviously, that’s why we broke up. Of course, any normal breakup hurts. You want things to work.”

Marami rin daw siyang issue sa buhay na hindi pa tapos :“Because I had so many issues na hindi pa na-resolve, I was projecting it on him,” sabi niya sa interview ng Preview.

Pero ayos na raw sila at sinusubukan nilang maging mabuting mga magulang sa anak nilang si Elias.


Related News

Explore more categories