Mga Pinoy sa Dubai, nagsalita sa issue ng kasupladahan ni Pia

Philstar
January 11, 2021

Labas na ‘yung Xpedition magazine cover ni Pia Wurtzbach sa Dubai, United Arab Emirates. Ang pictorial para sa nasabing international magazine ang ipinunta ni Pia sa Dubai kamakailan.

Hindi niya kasama that time ang boyfriend na si Jeremy Jauncey at after na mangga­ling sa Dubai at saka lang sila nagkita sa London, United Kingdom.

Kuwento ng publisher ng Xpedition na si Josh Yugen (na kasa-kasama nga ngayon sa Dubai ni Maymay Entrata), sobrang bumilib siya sa ugali ni Pia. Napaka-down to earth daw pala ni Miss Universe 2015. “Walang kaartehan si Pia. Kung saan-saan kami nag-pictorial. Kahit sa mga batuhan, umaakyat siya,” sabi ni Josh at kahit wala raw pinahihiga siya sa malalaking bato, go lang daw si Pia.

Sobrang nakakabilib din daw si Pia dahil nang mag-pictorial naman daw sila sa Ice Lounge Dubai, na sobrang lamig naman, ok lang daw sa beauty queen/actress kahit pa nga manipis lang ‘yung damit niya at pabalik-balik siya sa loob at medyo matagal ang pictorial doon. “Walang reklamo si Pia. In between takes, may hawak lang siyang cup ng hot chocolate at umiinom lang siya. Masarap siyang katrabaho. Ang gaan!” sabi pa ni Josh.

Wow, ang bongga nga, dahil pati ang international fashion designer na si Furne One na naka-work din ni Pia sa nasabing pictorial ay pinuri-puri rin siya.

Noon, Ateng Salve, kapag may naririnig ako na nagsusuplada si Pia, akala ko ay totoo, pero sina Josh at Furne na parehong respectable sa Dubai fashion and society na ang nagkukuwento ng kabaitan ni Miss Universe 2015, huh!

So nice!

Sharon, sasabak din sa virtual concert

Kaliwa’t kanan na ang online concerts ngayon.

‘Yung Freedom digital concert ni Regine Velasquez sa Valentine’s day, aba, ang bongga raw ng tickets sale, huh!

Napakabenta ng VIP tickets na tig-P2,500 at dahil sobrang in-demand, magdadagdag nga raw para sa ganoong category dahil ang daming gustong maka-join sa virtual meet & greet, behind the scenes, Zoom after party at request portion with Regine.

Wow na wow ang Freedom virtual concert ni Regine, huh! Sobrang nakakabilib!

Tsika nga pala sa akin ng isang malapit kay Sharon Cuneta, ang Megastar daw, may virtual concert din na pinaghahandaan.

Pagmi-meeting-an pa raw ng Team Sharon ang tungkol doon dahil kagaga­ling pa lang ng Megastar sa kanyang out of town birthday retreat with her family, kaya wala pang announcement tungkol doon.

May isang kilalang concert producer naman ang may pa-announcement next week tungkol sa big plans niya for 2021.

Magiging online na rin ba ang concerts na ipo-produce ng nasabing concert producer?

Well, abangan…

Pero, Ateng Salve, ganoon naman talaga, puro mga online na muna ngayon. Ang hirap pa rin kasing magplano ng face to face talaga na concerts at kung iba pang projects dahil matindi pa rin naman ang banta ng COVID-19 pandemic.

Sad, but that’s the reality now. Ang maganda, nagagawan ng paraan na magtuluy-tuloy pa rin ang ikot ng ating mga buhay, pati na rin ang showbiz life!

So bongga! ‘Yun na!


Related News

Explore more categories