Fumiya, kay Yamyam lang nagkukumpisal ng mga problema

Philstar
January 11, 2021

Kahit magkalayo ngayon ay nananatili pa ring magkaibigan sina Yamyam Gucong at Fumiya Sankai. Naging matalik na magkaibigan ang dalawa mula nang magkasama noon sa loob ng Pinoy Big Brother house.

Kasalukuyang nasa Japan si Fumiya at nasa Pilipinas naman si Yam. Para sa huli ay mas lumalim ang turingan nila ng kaibigang Hapon dahil sa pagkakaroon ng pandemya. “Kahit malayo kami, actually ngayon palalim nang palalim ang friendship namin. Kasi kahit ang daming hamon, hadlang, pandemya, problema, pero kami through social media ay nagshi-sharing pa rin kami at nagtutulungan pa rin kami,” kuwento ni Yamyam.

Ayon pa sa baguhang aktor ay mas nakapagkukuwento sa kanya ng problema si Fumiya kaysa sa mga kaibigang nasa Japan. “Lately nag-video call kami dahil siya rin stressed na siya sa Japan. Pagkatapos ng video call namin, sabi niya, ‘Thank you so much Yamyam. I’m konti relieved because wala akong ma-share-an na iba.’ Kasi sa mga Japanese hindi sila sharing (ng mga problema). So dito nagsi-share sa akin. Open naman ako makinig sa kanya dahil kaibigan ko naman siya,” pagdedetalye ni Yamyam.

Samantala, hindi pa makauwi sa Pilipinas si Fumiya dahil sa pagkakaroon ng pandemya. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto na raw muling makasama ng binata si Yamyam. “Ngayon I cannot go back to the Philippines, that’s why we can’t meet each other in person. Pero now technology generation, that’s why we can use phone, laptop and chika-chika. Kahit malayo we can share,” pahayag  naman ni Fumiya.

Osang, gustong magsulat ng libro

Nasa pangangalaga na ng Viva Artists Agency si Rosanna Roces ngayon. Bukod sa mga proyekto sa pelikula at telebisyon ay nangangarap ding makapagsulat para sa isang libro ang aktres. “Maganda ‘yung tingin ko sa offer nila kasi sabi ko nga kay Blessy (partner ni Osang), hindi puwedeng dasal lang tayo nang dasal kung kailan tayo magkaka-project. ‘Pag nasa Viva tayo laging may project, lagi kang nando’n. hindi na tayo magdarasal na, ‘Naku! Baka walang dumating?’ Hihi­ngin ko na magkaroon ng isang book kahit recipe book pa ‘yan. Marami akong nakasama ako, pero ‘yung ako mismo ‘yung laman ng buong libro, wala pa. Pang-validate ko rin ‘yon sa pagkatao ko, sa pag-aartista,” pagbabahagi ni Rosanna.

Ayon sa kontrobersyal na aktres ay mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas nang una niyang naisipan na isulat ang kwento ng kanyang buhay sa pamamagitan ng isang aklat. Kasikatan noon ni Osang kaya talaga namang tinatamasa ang tagumpay mula sa lahat ng ginagawang proyekto. “Noon pa ito ino-offer sa akin, matagal na, panahon pa ng Ligaya (Ang Itawag Mo Sa Akin) pero sabi ko nga, ‘Anong ending nito?’ Ayoko kasi ng ending na bitin, na nakabitin ‘yung kuwento ng buhay ko. Ngayon kasi ‘yung ending ng libro masaya na. Noon kasi puro sarap ‘yung pinagdaanan ko. Hindi ako nagdudusa kasi nasa taas ako. Pang-walang kwenta ‘yung kuwento ko kung nandiyan ka lang sa itaas. Maganda ‘yung may struggle tapos aakyat ka ulit para meron kang success story talaga ng buhay,” kuwento ng aktres. (Reports from JCC)


Related News

Explore more categories


TrueID
By tapping "ACCEPT", you agree to our and