Comeback movie ni Claudine, muntik ‘di matuloy

Philstar
January 11, 2021

Heavy drama ang magiging comeback movie ni Claudine Barretto na ididirek ni Joel Lamangan for Borracho Films na intended for Mother’s Day.

Actually, muntik na raw itong ‘di matuloy pero ang last update ng producer nitong si Atty. Freddie Topacio ay inaayos na ang script at any moment ay magsisimula na silang mag-shooting.

Nang Umiyak ang Langit ang unang title nito pero pinalitan nila ito ng title na pina-finalize pa ng Borracho.

Aside from Claudine’s comeback movie, naka-line up na rin ang pelikula nina Edu Manzano, Ritz Azul and Myrtle Sarroza na isang romance-drama.

Ito ay kahit ongoing pa ang shooting ng initial offering ng Borracho na Mamasapano starring JC de Vera and Aljur Abrenica with Edu and Myrtle with the special participation of Claudine.

At least masasabi talagang may mga pelikula pa ring naka-line up for 2021 sa kabila ng sitwasyon ng ating bayan at sa naging kapalaran ng Metro Manila Film Festival 2020 na hindi napigilan ang piracy kaya luging-lugi diumano ang mga producer.

Aside from movies, plano rin ni Atty. Topacio na i-produce uli ng concert ni Myrtle this year. As in mas malaking face to face concert ‘pag ok na at hindi na tumataas ang number ng positive cases sa bansa. Eh kahapon lang, 1,906 ang new cases at 487,690 na ang total cases.

Kapamilya stars naghakot ng award last year

Bago magpaalam sa 2020, sari-saring parangal ang tinanggap ng ABS-CBN mula sa iba-ibang award giving body noong Disyembre.

Nanguna ang Star Cinema sa 7th Urduja Heritage Film Awards, kung saan hinirang na Best Heritage Film ang Quezon’s Game, samantalang may Jury Prize (Romance) naman and Hello, Love, Goodbye. Wagi rin ang mga artista ng Quezon’s Game na sina Raymond Bagatsing (Best Actor), Rachel Alejandro (Best Supporting Actress), Billy Ray Gallion (Best Supporting Actor), at Audie Gemora (Best Actor in a Cameo Role), habang kinilala ang direktor nilang si Matthew Rosen ng Best Director, Best Cinematography, at Best Production Design. Panalo rin si Dean Rosen ng Best Screenplay para sa nasabing pelikula.

Kinilala rin ang cast ng Hello, Love, Goodbye na sina Alden Richards (Best Actor), Maricel Laxa Pangilinan (Best Actress in a Cameo Role), at William Lorenzo (Best Actor in a Cameo Role), ang bida ng Isa Pa With Feelings  ng Black Sheep na si Carlo Aquino (Best Actor in Comedy or Musical), at sina Fino Herrera at Raven Molina (Best New Performer) para naman sa pagganap nila sa Mga Batang Poz ng iWantTFC at Dreamscape Entertainment. Nanalo rin ng Jury Prize (Advocacy) ang Mga Batang Poz  kasama ang Metamorphosis na isa sa mga pelikula sa Cinema One Originals Film Festival.

Hinakot din ng Fan Girl, isang proyekto ng Black Sheep, Globe Studios, Project 8, Epicmedia, at Crossword Productions, ang awards sa Metro Manila Film Festival, kabilang ang Best Picture, Best Director at Best Screenplay para kay Antoinette Jadaone, Best Actor para kay Paulo Avelino, at Best Actress para kay Charlie Dizon. Nakuha rin nito ang Best Editing (Benjamin Tolentino), Best Cinematography (Neil Daza), Best Sound (Vincent Villa), at third place sa Best Virtual Float.

Kinilala rin ang ilang Kapamilya artists sa Laguna Excellence Awards 2020 sa pangunguna ni Boy Abunda na tumanggap ng Lifetime Achievement Award for Hosting. Nagwagi rin si Sylvia Sanchez (Outstanding TV Actress of the Year - Pamilya Ko), Paulo Avelino (Outstanding TV Actor of the Year - The General’s Daughter), Erik Santos (Outstanding Male Concert Performer of the Year), Darren Espanto (Outstanding Male Pop Artist of the Year), Maris Racal (Outstanding New Female Recording Artist of the Year), DJ ChaCha (Outstanding Female DJ of the Year) at DJ Onse (Outstanding Male DJ of the Year) ng MOR 101.9.

Sa 2020 FAMAS Awards naman, ginawaran si Angel Locsin ng Fernando Poe Jr. Memorial Award, habang si Liza Soberano ay tumanggap ng German Moreno Youth Achievement Award, at si Boy Abunda naman ang binigyan ng Dr. Jose Vera Perez Memorial Award. Panalo rin si Marya Ignacio ng Best Editing para sa Hello, Love, Goodbye sa 38th Luna Awards.

Kabilang naman sa mga pinarangalan sa 42nd Catholic Mass Media Awards ang Star Music artist na si Jamie Rivera na tumanggap ng Hall of Fame Award sa kategoryang Best Inspirational Song, habang wagi naman bilang Best Secular Song ang Pinakamamahal Kong Bayan na sinulat ng Star Music songwriter at executive na si Jonathan Manalo. Panalo rin ang Ililigtas Ka Niya ng Star Music bilang Best Music Video, samantalang kinilala rin ang librong Give Thanks and Praise ng ABS-CBN Books na sinulat ni Fr. Tito Caluag sa kategor­yang Special Feature.

Hindi rin nagpahuli ang ABS-CBN News journalists na sina Jeff Canoy, Zhander Cayabyab, at Lyza Aquino noong Disyembre, na tinanghal naman bilang mga Hero Journalist of the Year sa 15th Gawad Filipino.

This year kaya,  ano ang magiging kapalaran ng ABS-CBN?


Related News

Explore more categories