Julia naging dog lover dahil kay Gerald

Philstar
January 11, 2021

Uy aamin na...

Uy parang ilang kembot na lang, aamin na sila Ge­rald Anderson and Julia Barretto na sila na nga.

Sunud-sunod ang hints sa social media ni Julia tungkol sa real status nila.

Kahapon sa isang nag-viral na TikTok video at nag-drop na naman siya ng ‘taken’ status.

Last holidays ay spotted diumano sila sa Baguio at nakikita na rin sila sa beach resort ni Gerald sa Zambales.

Well, walang masama kung sila na dahil ang tagal na rin naman na alam ng ibang friends nila na sila talaga at ‘di lang umaamin officially sa social media.

Ang suspetsa nga ng followers nila, may baby na sila, na isang dog na St. Bernard na ginawan pa nila ng sariling Instagram account na silang dalawa pa lang ang celebrities na nagpa-follow.

Malaking aso ang St. Bernard na ayon sa google ay versatile and good-natured at sakto sa family na naghahanap ng alagang big dog pero gentle.

Kilalang dog lover noon pa si Gerald.

Maaalalang binanggit niya sa interview ni tito Boy Abunda (2017) na nagpapatayo ng hospital building for dogs.

Nag-launch din siya noon ng Gerald Anderson Foundation na naka-focus sa pagti-training ng dogs for search and rescue operations na ewan kung continuous pa.

So wait natin kung kailan talaga sila official na magde-declare ng kanilang relasyon sa social media or sa vlog ni Julia.

Pero true kaya na may possibility na lumipat na rin si Gerald sa Viva na may hawak ng career ngayon ni Julia?

Nag-umpisa ang issue sa kanila noong sila Gerald at Bea Alonzo pa.


Related News

Explore more categories