Anak ng politiko, pumasok sa PBB house

Philstar
January 11, 2021

Tuluyan nang nag-impake ng kanyang mga kagamitan ang housemate na si Mika Pajares bilang third evictee ng PBB Connect matapos makakuha lamang ng 1.66% ng pinagsamang Kumu at text votes kagabi (Enero 10).

Nakaligtas naman sa eviction night ang kapwa nominees ni Mika na sina Haira Palaguitto (14.79%), Kobie Brown (14.56%), at Crismar Menchavez (2.98%).

Puno naman si Mika ng pasasalamat kay Kuya sa pagkakataong maging housemate. “Thank you po talaga sa experience. Sobrang babaunin ko po ito lahat. Medyo mahirap lang po tanggapin pero kakayanin po. Lalaban po,” ani ng “Single Momshie-Kap ng Bataan.”

Samantala, may bagong housemate naman na pumasok sa bahay ni Kuya na isa sa mga napili ng KUMUnity. Siya si Amanda Zamora, ang  Unique-A Hija Darling ng San Juan at nag-iisang babaeng anak ni San Juan City Mayor, Francis Zamora.

Ayon kay Amanda, sumali siya sa PBB Connect dahil marami siyang gustong mapatunayan. “Sumali po ako sa PBB para mapatunayan that I am more than just a model and a politician’s daughter. And that I can be more than what people expect me to be,” aniya.

Ano kaya ang reaksyon ng housemates sa pagpasok ni Amanda sa bahay ni Kuya? 


Related News

Explore more categories