Jinkee tambak ang regalong luxury brands, laban ni Pacquiao may chance nga bang mapirata?

Philstar
January 11, 2021

Ang daming natanggap na birthday gift ni Jinkee Pacquiao na luxury items.

Parang hindi na niya kailangang mag-order dahil binibigyan na lang siya ng mga online shopper / seller na kailangan lang niyang i-post sa kanyang IG account.

Sa isang wellness farm sa Batangas nag-celebrate ng birthday si Jinkee with her family.

Samantala, sa video-on-demand na Upstream pala mapapanood ang laban ni Sen. Manny sa Dubai sa April.

Sa Upstream napanood ang 10 official entries sa katatapos na Metro Manila Film Festival, pero malaki ang lugi ng mga producer dahil agad-agad napirata ang mga kasa­ling pelikula.

Kinasuhan na diumano ng Optical Media Board - OMB ang mga nahuling namimirata pero kahit na nga kasuhan pa ang mga ‘yun, ang sad part doon hindi na puwedeng mabawi ng mga producer ang capital nila dahil nagkalat na sa kung saan-saang social media platforms ang kopya ng mga pelikulang may bayad sana ang panonood.

Kahit pa siguro magbukas pa ang mga sinehan, hindi na ‘yun tatauhin.

Anyway, ang tanong, may chance din kayang mapirata ang laban ni Sen. Pacquiao? 

Grabe naman pag nangyari pa ‘yun.


Related News

Explore more categories