Bea at Julia, same ang level sa patikim tungkol kina Dominique at Gerald

Philstar
January 11, 2021

Kung may mga naghihintay kung aamin na nga outright  sina Gerald Anderson and Julia Barretto, ganundin ang ini-expect kina Bea Alonzo and Dominique Roque na kahit marami na ring friends nila ang nakakaalam na may relasyon sila, ganundin, pakonti-konti as in patingi-tingi ang pagbibigay ng nila ng confirmation.

Maraming friends na diumano ni Dominique ang alam na sila na nga ni Bea, pero everytime diumano na ii-introduce na si Bea, nag-iiba ang reaction ng face ng actress.

Last week ay may hint na naman silang magkasama sa isang steak date though seperate ang post nila na hindi magkasama pero same place raw ‘yun.

Kay Bea nag-umpisa ang issue ng ghosting matapos nga ang nangyari sa kanila ni Gerald noon kaya nabuko sina Gerald at Julia.

Or baka magsasalita rin naman si Bea about Dominic pag may project na silang ipo-promote.


Related News

Explore more categories