Bea, nag-social media detox habang nasa kanyang farm

Philstar
January 11, 2021

Isang dekada na ang nakalilipas nang makabili ng isang property si Bea Alonzo sa Zambales. Noon ay damuhan pa lamang umano ang nabiling sampung hektaryang lote pero ngayon ay mayroon ng mango plantation ang aktres. Pinangalangan ni Bea na ‘Beatifirma’ ang sariling mango farm na nangangahulugang ‘The Blessed Farm.’ “Pina-bulldoze ni mama and then nagtanim na siya ng mango trees. So it is actually a mango plantation. To us parang malaking blessing ‘tong farm na ‘to because unang-una nagkaroon ng hobby si Mama. Para siyang nag-Farmville dito. At pangalawa, iba pala ‘yung feeling na nag-aalaga ng trees na naggu-grow na parang nakikita niya ‘yung fruit of her labor,” nakangiting kwento ni Bea.

Ang ina ng aktres na si Mary Anne Ranollo ang nagsisibling tagapamahala sa farm. Sa ngayon ay mahigit apat na daang puno ng mangga at limang libong puno ng mahogany ang mayroon sina Bea sa ‘Beatifirma.’ “No’ng una wala pa naman ‘yung bahay, hindi ganito kaayos ‘tong farm. So my mom had to live in a nipa hut. ‘Yung kubo na nabibili lang na binubuhat, she had to live there for six months. As in talagang tinutukan niya ‘to. So hindi talaga siya madaling gawin. But she did it all by herself,” pagbabahagi ng dalaga.

Sa ngayon ay talagang nae-enjoy ni Bea ang mga oras tuwing nakakasama ang buong pamilya sa farm. Halos dalawang linggong nanatili ang aktres sa Zambales upang ipagdiwang ang kapaskuhan at salubungin ang bagong taon. “I think ito ‘yung longest time na nandito ako sa farm. Sobrang na-enjoy ko kasi hinding-hindi ko nga hinahawakan ‘yung phone ko. As in nag-social media detox ako. And feeling ko it did me well. Actually dapat gawin ko siya once in a while,” pagtatapos ng aktres.

Jairus, hindi iniisyuhan ang mga bading na nagpaparamdam

Aminado si Jairus Aquino na mayroong ilang ba­ding na nagkakagusto o nagpaparamdam sa kanya sa Instagram. Ayon sa dating child star ay wala naman daw problema rito basta huwag lamang siyang mababastos ng pisikal. “Kumbaga isipin natin na hangga’t hindi ka naman nakakanti physically, okay na ‘yon. Let’s take it that way na lang na ina-admire ka pa rin nila sa ibang pa­raan lang. Medyo nakakabastos pero hangga’t hindi nangyayari physically (ang pambabastos) okay lang. Kasi itutulog mo lang naman ‘yung nabasa mo, paggising mo wala na di ba?” paliwanag ni Jairus.

Maraming mga kakilala at kaibigan ang aktor na bading at masaya naman daw na makasama ang mga ito. “Nae-enjoy ko ‘yung company nila eh. Manood ka sa kanila, nagbibiruan sila, tapos matatawa ka rin. Marami akong kaibigang gay and nirerespeto naman nila ako. Kasi bini­bigyan ko rin naman sila ng respeto. That’s what I like sa mga kaibigan kong gays. Nirerespeto ko sila kung sino sila, nirerespeto din nila ako kung sino ako,” pagtatapat ng binata. Reports from JCC


Related News

Explore more categories