Jed, itinanggi ang hugot

Philstar
January 11, 2021

Naku, Ateng Salve, kung minsan (actually, madalas),  may hugot ang ilang showbiz personalities sa kanilang social media accounts na aakalain mo na may kaaway sila. Kahapon, may pinost si Jed Madela sa kanyang Facebook na “I’m all for helping out newbies… and I’m one who feels the happiest when thet succeed… But it just breaks my heart when they drop you like a wet towel once their name get noticed… Nevertheless, I wish them all the best.”

Naku, may hugot? May pinatatamaan ba si Jed?

Sino kayang showbiz newbie ang nagwalanghiya kay Jed?

So, pinadalhan ko ng message si Jed sa kanyang Facebook Messenger at tinanong kung kanino siya disappointed at may ganoong hugot siya? “Hahaha. Ramdom thoughts!” sagot niya.

“Naku, akala ko pa naman may kung sinong pinatatamaan ka na!” sabi ko. “Hehehehe!” tawa na lang ang sagot ni Jed.

Naku, mabuti na lang at madaling ma-reach si Jed at sumasagot siya kaagad kaya madaling nalinaw na wala siyang pinatatamaan.

Pero kadalasan, sobrang mag-react ang kanilang folowers at mas madalas na mapagbinta­ngan na kaalitan ng showbiz celebrity na nag-post ng ganoon ang mga taong malalapit sa kanila. Well…

Assunta at anak, hindi makarampa sa Negros

Ilang weeks na ring nasa City of San Carlos, Negros Occidental ang mag-inang Assunta de Rossi at Baby Fiore, kasama si Jules Ledesma at ang dalawa pa nitong mga anak.

Kinumusta ko kahapon si Assunta dahil gusto kong ipadala sa kanya ang pasalubong ko na chocolates, pero matatagalan pa sila roon.

Kung noong una ay enjoy siya at naipapasyal niya sa malaking lawn ng ancestral house ng pamilya Ledesma si Baby Fiore, ngayon daw, hindi muna dahil maulan doon.  Araw-araw nga raw umuulan, kaya sa loob lang sila ng bahay.

Alam mo, Ateng Salve, noong nasa Dubai, United Arab Emirates ako at nasa bahay lang ng friend kong si Daniel Blanco, Jr. at walang magawa, ang pinagkakaabalahan ko ay ang panonood ng videos ni Baby Fiore. Ang cute-cute kasi ng anak nina Assunta at Jules.

May mga nagsasabing kamukha ni Assunta si Baby Fiore, pero may mga nagsasabi namang kay Jules hawig ang bata. ero sabi ni Assunta, “Actual­y, hati. May anggulong kamukha ko, may anggulo namang kamukha ni Jules. Pero mabilis ding lumaki si Baby Fiore at mas magalaw na siya ngayon. Pero matakaw pa rin sa tulog.”

Actually, sa January 26 nga ay three months na si Baby Fiore, ang bilis talaga ng paglipas ng mga araw.

Ang parents ni Assunta na nasa Martano, Italy, gusto na talagang madalas ang kanilang unang apo, kaso, tumitindi rin ang banta ng COVID-19 pandemic, kaya ayaw muna nilang umuwi ng Philippines. “Panay naman ang video calls namin. May chat group din kami, kaya updated. Panay rin ang padalas ni Sam (Assunta) ng videos ng baby,” sey ni Mommy Nenita na sabik na sabik na raw na makita ang una niyang apo.

Ang hirap nga lang talaga, Ateng Salve, dahil sa pandemic, kailangang magtiyaga na lang muna sa video calls.

Pero at least, may internet apps na tayo na talaga namang puwedeng mag-ugnay sa ating lahat kahit malayo tayo sa isa’t isa. Ma-imagine mo kaya kung noong 80’s nagka-pandemic, siguro mas nakakaloka, huh! ‘Yun na!


Related News

Explore more categories