Heart, naka-scoop kay Gov. Chiz

Philstar
January 11, 2021

Bongga rin pag married sa politician. Like si Heart Evangelista, siya na mismo ang nag-i-interview sa kanyang mister na si Gov. Chiz Escudero.

Nakaka-scoop pa siya sa kanyang YouTube channel.

Sa bagong vlog nga ni Heart  ay sinagot ni former Sen. Chiz ang umiikot na kuwento na kasama siya sa mga kakandidatong presidente sa 2022 na ngayon ay balitang pinaghahandaan ng ibang gustong magka-posisyon. “No. I have no plans of doing so.”

Sa tanong ni Heart kung bakit “no money, no resources, not my time, and I am happy where I am. You have to want it, actually. So those who are running who say that they don’t want it, it’s not that accurate. You have to want it before you can actually decide to run, actually run a campaign, and be the president, the governor, congressman, or senator.”

Hanggang senador lang daw siya kung may numbers - “Either I run for governor again, not run, or run for the senate if I have the numbers.”

Maalalang hindi nanalong vice president last presidential election si Gov. Chiz. Bakit ba siya kumandidato noon? “I guess for two reasons. Because I thought I had something to offer and I wanted to offer myself. And number two, I wanted to get it over and done with.

“Para tapos na. Eh di pag natalo ka, tigilan na ‘yung ‘tumakbo kang Presidente,’ ‘tumakbo kang ganu’n’, wala na, tapos na. Wala ka nang what-ifs.”

Ang dami actually noon na umasa na mananalo sila ni Sen. Grace Poe.

Nabanggit din niya sa nasabing vlog na lagi siyang naniniwala na Diyos ang nagde-decide kung mananalo siya o hindi.

“I ran in seven elections, won in all six except for one. Sa lahat ng election ko, hindi ko ipinagdasal na manalo ako. Marami akong hinihingi sa Diyos, marami akong ibang bagay na  pinagdarasal sa Diyos,  pero hindi isa ‘yun sa pinagdarasal ko sa Diyos mula nun’g simula – na manalo ‘ko sa eleksyon.

“I always pray in relation to elections that I’m running for, for His will to be done. For Thy will to be done. Mahirap namang hilingin ang isang bagay na makakasama pala sa ‘yo, sa pamilya mo o sa bansa, o sa lahat ng tao.

“Mas maganda na ‘yung ginawa mo lang ‘yung kaya’t pwede mong gawin, tapos bahala na, mangyari ang mangyari.

“It’s easier to accept if it was not given to you because you didn’t ask for it. It’s also easier to embrace and be more confident because you would know that if it happened in accordance with your prayer, it was in accor­dance with His well as well,” paliwanag ni Gov. Chiz kay Heart na madalas pa ring pinagkakamalang senador sa kasaluku­yan.


Related News

Explore more categories