‘Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday,’ balik-telebisyon na simula January 18!

Philippine Entertainment
January 11, 2021

Exciting ang pasok ng taon para sa viewers ng primetime series na ‘Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday’ dahil balik-telebisyon na ang serye simula January 18 sa GMA Telebabad.

Kuwento ni Barbie Forteza na gumaganap bilang Ginalyn, talagang kaabang-abang daw ang mga revelation scene sa kanilang pagbabalik. Matapos ang ilang buwan nilang pahinga sa taping, sobrang na-enjoy raw ni Barbie ang umarte muli kaya naman halos madala raw siya sa lahat ng eksena nila.

Aniya, “Parang nawala sa isip namin ‘yung pandemic na nangyayari, parang bumalik kami lahat sa istorya. Ang sarap sa feeling, napaka-fulfilling niya.”



Inamin naman ni Kate Valdez na siyang gumaganap bilang Caitlyn na nahirapan siyang mag-adjust sa kanilang pagbabalik-taping, “Sa totoo lang, medyo nangangapa po ako. Para akong bumalik sa umpisa, like from the start ng taping day, parang mag-uumpisa pa lang ulit ‘yung show.

Ganoon din ang pahayag ni Migo Adecer na gumaganap bilang Cocoy, “I remember the first three tapings, I couldn’t cry. But after the third day of taping, I was back in the saddle. It’s like riding a bike pala.”

Muling balikan ang kuwento ng magkaibigang sina Ginalyn at Caitylyn sa recap ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday simula January 18. Sa darating naman na February 8 ay mapapanood na ang fresh episodes ng serye.


Related News

Explore more categories