Janella, inilabas ang baby

Philstar
January 12, 2021

‘It’s time’

Susunod na kaya si Julia Montes kay Janella Salvador na inilantad na sa social media ang baby?

“It’s time.

8 p.m.

Link in bio,” post ni Janella habang may hawak na baby sa kanyang Instagram account kahapon pero dark.

Obviously sa YouTube niya ipakikita ang baby na walang kamalay-malay ay ‘maghahanapbuhay’ na pala.

Matagal nang may issue na nanganak si Janella sa London na ang ama ay si Markus Paterson. Pero wala silang inaamin tungkol dito.

Until yesterday nga na may hawak siyang baby.

Habang sinusulat namin ito ay hindi pa uploaded ang nasabing video nila ng anak sa YT.

Lumobo naman agad ang followers niya sa kanyang YouTube Channel pagkatapos niyang i-post ang nasabing photo na may hawak na baby.

Sharon size 10 NA, mas payat pa raw kay KC

Wow, size 10 na uli ang swimsuit ni Sharon Cuneta na birthday today.

Pinakita niya sa social media account niya a day before her birthday ang ebidensiya na payat na uli siya.

“Went swimming and had this picture taken today. Now my swimsuit is a size 10. I haven’t been a 10 in many years. My normal size when I was thin was 6 or 8 & I would panic na pag 8! Now to get to size 6 means I need to lose the last 20 lbs. after so many years of trying to get rid of all this extra weight and losing anywhere from 60-80 lbs., 20 doesn’t seem like too much work anymore.? Please pray for me. Then WATCH ME. Hah! Thank You Lord for that all-important bonk on the head before 2020 ended that knocked me into my senses - now it’s even been helping me lose weight! Nyahaha! Galing ng Diyos talaga. Love you everyone! Thanks for your loving messages. #sharon2021,” ang buong post ni Sharon na mas bumata nga sa nasabing swimsuit photo niya.

At parang kaparehas pa raw ito nang suot niyang swimsuit noon sa pelikulang Friends In love. “I remembered pala just as I had worn this swimsuit that it’s almost the same as the Speedo I wore in the movie  Friends In Love! As in almost akala ko nga exacto! Still love it!!! (See my stories!) @jotlosa #size10nashuckskontinalaaaang!!!”

Actually, sabi nga nila, mas payat pa si Sharon ngayon kesa kay KC Concepcion na ayaw pa ring magsalita tungkol sa kanila ni Apl.de.Ap na sa Pilipinas nag-New Year pero walang confirmation kung magkasama nga sila ni KC sa Palawan.

Before Palawan ay nakita na silang magkasama sa mga dinner, ‘yun nga lang, hindi sila nagpapakitang magkasama sa mga video and photos na uploaded sa social media.

Happy birthday, Ms. Shawie.


Related News

Explore more categories