PSN, Take It... at Cristy winner sa gems!

Philstar
January 12, 2021

Congrats Salve. Hindi lang PSN at si Cristy Fermin ang nanalo, pati na rin ang Take It... Per Minute, Me Ganun as Best Digital Entertainment Talk Show sa 5th Guild of Educators, Mentors, and Students (GEMS) Hiyas ng Si­ning Awards na samahan ng mga teacher na pumipili ng para sa kanila ay best sa mundo ng TV, radio, print media at ngayon pati digital kung saan napapanood ang genre na pinili nila.

Very inspirational na ang isang tulad ng TIPMMG ay maging best digital talk show samantalang para lang itong isang katuwaan sa ating lahat.

Napakasarap ng feeling na nakikita pala nila ang ‘kinang’ at pagod natin para sa show. Naging masyado lang tayong very close sa isa’t isa kaya hindi natin itinuring na trabaho ito. Iyon tawanan natin siguro na-impart din sa nanonood sa atin kaya sila rin masaya habang tutok sa Facebook at YouTube channel ng Pilipino Star NGAYON.

Manood po kayo ngayong araw ng TIPMMG dahil talagang mas masaya ang ihahatid naming episode dahil nga feeling winner kami.

Saka siyempre sponsor namin today ang Beautederm ni Ms. Rei Tan at Calcium Cee.

Salamat GEMS.

Kris, 50 na

Fifty years old na si Kris Aquino sa February 14.

Parang kelan lang iyon panahon na batang-bata siya, naka-eye glasses at isang fanatic na mahilig manood ng movies.

Naalala kong fan na fan ng Gabby/Sharon loveteam si Kris. Parang kailan lang iyon na excited ang lahat sa pagpasok niya sa showbiz dahil anak nga siya ni Ninoy at Cory Aquino. Ang dami nang nangyari sa buhay ni Kris mula noon hanggang ngayon.

Naging very colorful ang kanyang lovelife, naging butt of jokes ang sinasabing pagiging bratinela niya at hanggang ngayon, isa pa rin sa colorful personality si Kris.

For all what they say about her, Kris Aquino is Kris Aquino. Walang puwede pang maging katulad niya o makagaya sa kanya.

She will always be a different kind of precious stone among the gems sa showbiz.

At 50 I hope she will now find her complete happiness. Happy golden year Kris Aquino. Start it with a bang.


Related News

Explore more categories