Alden Richards, gustong sumabak sa international roles

Philippine Entertainment
January 12, 2021

Marami pa ring gustong ma-achieve ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards lalo na sa kaniyang career ngayong Bagong Taon at isa na rito ang pagsabak sa international acting roles.

Sa interview niya sa 24 Oras, ibinahagi ni Alden na kabilang sa mga plano niya this year ang makakuha ng projects abroad.  “Isa ‘yon sa mga top priorities for next year. Para something new rin. Para level up din ‘yung trabaho natin.”

Magiging busy ang 2021 para kay Alden dahil may mga naka-linya na agad siyang series, pelikula, at TV show. Nang tanungin siya tungkol sa kaniyang New Year’s resolution, simple lang at straightforward ang naging sagot ng Kapuso star. “Sa 10 years ko sa industry, ang New Year’s resolution ko talaga is really not to make any para walang pressure. It’s just about self-recreation and being a better version of you than last year. Move forward lang and be better with your decisions.”



Nagdiwang si Alden ng ika-29 niyang kaarawan noong January 2 at bagama’t intimate lang ang kanilang naging selebrasyon, puno pa rin siya ng pasasalamat sa mga taong nagmamahal at patuloy na sumusuporta sa kaniya. 


Related News

Explore more categories