Pagbabalik ng ‘Magkaagaw,’ mas pinatindi ang mga eksena!

Philippine Entertainment
January 12, 2021

Hindi dapat palampasin ng viewers ang mga kapana-panabik na mga eksena sa pagbabalik ng hit GMA Afternoon Prime series na ‘Magkaagaw’ simula ngayong Lunes (January 18).

Ayon sa lead stars ng serye na sina Jeric Gonzales at Klea Pineda, maraming heavy scenes ang matutunghayan sa kanilang new episodes.

Kuwento ni Klea, “Marami silang dapat abangan. Base sa mga nakunan naming eksena, lahat halos puro heavy scenes. Mahirap kasi nanggaling kami sa bakante na seven months pero lahat ng effort at oras namin ay nilalagay namin sa show na ‘to. Para marami silang mapanood na eksena na talagang puno ng cliff hangers at challenges na mangyayari.”



Dagdag pa ni Jeric, “Ang masasabi ko lang is walang eksenang matatapon dito o masasayang sa ginawa namin kasi intense lahat. Nandito na tayo sa climax ng kuwento kaya dapat abangan nyo. ‘Wag n’yo palampasin.”

Matatandaan na naputol ang kuwento nang nasa panganib ang karakter ni Klea na si Clarisse pati ang kanyang inang si Laura (Sunshine Dizon). Lahat ito ay pakana ni Veron (Sheryl Cruz) para pagtakpan ang relasyon nila ni Jio (Jeric).

Muling balikan ang maiinit na eksena sa recap ng ‘Magkaagaw’ na mapapanood na simula January 18, 2:30PM, sa GMA Afternoon Prime. 


Related News

Explore more categories