Aktres na girlfriend, naburyong sa sikat na guwapong aktor na walang aksyon ang buhay

Philstar
January 12, 2021

Bago pa pumutok ang kuwento tungkol sa pinagdadaanan ng isang kilalang male personality ay nauna nang lumabas ang balitang gusto na niyang kumalas sa kanyang karelasyon.

Maraming napagsabihan ang female perso­nality na buryong na buryong na siya sa kanilang relasyon ng sikat na male personality, gustung-gusto na niyang lumabas, pero naghahanap pa siya ng tiyempo.

Kuwento ng aming soruce, “Mas nauna ang mga kuwento niya sa mga friends niya na gusto na niyang hiwalayan ang karelasyon niya. Marami na siyang pinagsabihan.

“Ang reklamo niya, e, boring daw na karelasyon ‘yung male personality, wala raw ka-challenge-challenge, kaya nabuburyong na siya.

“Kumbaga, e, nagsasawa na siya sa takbo ng relasyon nila na palaging ganu’n lang, ayaw yata niya sa tahimik na relasyon,” ­unang sultada ng ­aming impormante.

Isa sa mga dahilang ibinigay ng female perso­nality ay may katamaran kuno ang sikat na male personality. Walang aksiyon. Walang ganap.

Balik-chika ng aming source, “Ano naman kasi ang inaasahan niyang gagawin nu’ng male perso­nality, e, di ba, isinakripisyo nga nu’ng tao ang career niya para sa relasyon nila?

“Ano ang maaasahan niya, e, bumaklas nga ‘yung tao sa maningning niyang karera para magsama na lang sila? Ano ang magiging aksiyon, ano ang magiging ganap?

“May mga nagsasabi nga na sawain talaga sa pakikipagrelasyon ang girl. Wala siyang tumatagal na relasyon. Kahit naman ang mga nakaraan niyang boyfriend, e, ganu’n din ang nangyayari, di ba?

“Bigla na lang silang naghihiwalay, hindi pa man sila nagtatagal, e, tapos na agad ang romansa nila! Iba lang ang naging relasyon nila ng male perso­nality, nagkaroon ng produkto ang pagmamahalan nila!

“Kaya nu’ng lumabas ang mga kuwento ng girl na kesyo ganito at ganyan, e, hindi na nagulat pa ang mga napagsabihan niyang gusto na niyang kumalas.

“’Yun na ‘yun! Nakahanap na ng tiyempo ang girl, nakakita na siya ng butas para makalabas sa relasyon nila. Hindi na nagulat ang mga pinagkuwentuhan nu’n ng girl na boring karelasyon ang sikat at guwapong aktor,” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Angel, pinatutulad sa ginawa ni Sharon

Matinding sakripisyo at disiplina ang pinag­daanan ni Sharon Cuneta bago lumabas ang kanyang mga retratong naka-swimwear na nakadapa sa may dalampasigan ng Amanpulo.

Malaki ang timbang na nawala sa Megastar, kitang-kita ang kanyang kurbada habang naglulunoy sa dagat, komento nga ng iba ay mas malaki pang tingnan ngayon si KC Concepcion kesa sa kanya.

Damay si Angel Locsin sa senaryo, kung ang singkuwenta’y singko anyos na nga raw na si Sharon ay nagtagumpay, bakit hindi rin ‘yun pangarapin ni Angel?

Sabi pa ng isang usisero, “Napanood ko si Angel sa show niyang Iba ‘Yan, nakakaloka ang itsura niya! Para na siyang nanganak nang apat na beses sa katabaan niya!”

Nabasa ‘yun ng isa naming kaibigan, sinadya nitong abangan ang programa ni Angel, saka ito nagbigay ng konklusyon. May punto raw ang basher ng magandang aktres.

Sabi nito, “Talagang hinintay ko ang show ni Angel, napanood ko ‘yung episode na may mga kasama siyang matatandang inaalagaan sa isang orphanage.

“Totoo nga! Napakalaki ni Angel, kahit anong paglalaro ang gawin ng cameraman sa mga shots niya, e, talagang super-taba nga siya! Walang anggulong payat siyang tingnan.

“Tama ang opinion ng mga bashers na kung nagawa nga ni Sharon ang magpapayat sa age niya na di hamak na mas bata si Angel, e, bakit hindi rin niya magawang mag-diet?” opinyon ng ­aming kausap.

Madisiplina si Angel Locsin. Kahit sa kanyang karera ay maalaga siya, napakapropesyonal niya, isang senyal na kayang-kaya rin niyang magbawas ng timbang.

Pero hindi ‘yun magagawa nang mabilisan ni Angel, meron siyang problema sa kanyang sistema, mas mahalagang ligtas siya kesa sa pumayat.

“Pero napakaganda talaga ni Angel, iba ang beauty niya, walang anggulo! Mataba man siya, e, bawing-bawi naman ‘yun sa kagandahan niya!” pagbawi ng kaibigan naming manghang-mangha sa timbang ngayon ni Angel Locsin.

Totoong-totoo.


Related News

Explore more categories