Jai ng PBB, na-coma nang tatlong araw

Philstar
January 12, 2021

Emosyonal na ibinahagi ni Jai Agpangan sa isang video blog ang hindi magandang karanasan noong Kapaskuhan. Nanganib ang buhay ng dating Pinoy Big Brother housemate dahil sa impeksiyon sa tenga. “Before Christmas, December 24, I experienced swelling sa left ear. Baka dahil sa piercing ko na infected pala siya. I was cooking Noche Buena, nagku-cook ako ng spaghetti because I will attend my cousin’s birthday. Tapos I was making samgyup for my fa­mily. Ang sama ng pakiramdam ko, parang nasusuka ako. I was waiting for Joj (kakambal ni Jai) kasi she was doing her errands, ­buying gifts for Christmas. Tapos bigla akong nag-stop mag-cook and then sumusuka ako like 20 times,” pagdedetalye ni Jai.

Nahirapan ding huminga ang dala­ga noon kaya agad na tinawag ang bunsong kapatid upang humingi ng tulong. “I asked my sister Jasper, ‘Pwede mo ba ako pisil-pisilin kasi parang I cannot breathe well.’ So I was scared. Tapos hindi ko na na-remember nag-pass out na ako. Buti na lang talaga, thank God. No’ng 24, ‘yung lola namin parang nag-knock ng neighbor namin kasi doctor. Nag-ask kami ng help. Sabi ng mom ko I was peeing sa dress ko, lahat. Super basa ako ng pee ko. Tapos pinakuhanan na ako ng blood pressure, nagsi-seizure na ako. Grabe ‘yung nangyari sa akin. I got coma for almost three days, 24, 25, 26 (December). Tapos 27 ako nag wake up daw. Parang na-tetanus ako, infected, sepsis. Ang daming sinabi ng doctor,” kwento ng aktres.

Malaki ang pasasalamat ni Jai dahil nalampasan ang pagsubok at sa itinuturing niyang pangalawang buhay na ipinagkaloob sa kanya. “I thank God for everything, my family. Kasi parang naging support system ko sila. Honestly parang very ­serious matter talaga ‘yung sa amin. Life is a blessing and prayers talaga. Half death na kami ng sister ko and I was so scared kasi parang ‘di ko kaya. Medyo masakit pa kasi two weeks pa lang pero recovering na ako,” emosyonal na paglalahad ng dalaga.

Diego, aktibo na sa pagkanta

Aktibo na rin sa show business ang lalaking anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher na si Diego Gutierrez. Napapanood bilang singer ang binata sa ASAP Natin ‘To at nakatakda nang maglabas ng kauna-unahang single. “Siguro ‘yung aktingan kailangan ko pang pag-aralan ng konti ‘yan. As of now, I want to focus on my music career. I actually have a song coming out this January. I have my first song, so ‘yon muna ang focus ko,” bungad ni Diego.

Nakararamdam ng pressure ang baguhang singer lalo pa’t nagmula siya sa angkan ng mga kilalang artista. Apo si Diego nina Eddie Gutierrez at Pilita Corrales at kilala na rin bilang aktres ang nakatatandang kapatid na si Janine Gutierrez. “Siyempre nakaka-pressure rin pero more of inspiring. Kasi siyempre ‘yung mga narating nila ay gusto ko ring mara­ting in the future,” pagtatapat niya.

Hindi naman umano nakikialam ang ama ni Diego na si Ramon Christopher pagdating sa mga desisyon ng binata sa buhay lalo na ang pagsabak sa show business. “Sa totoo, ang ano (hiling) lang namin is kapag nakatapos kayo ng school, when you finish college, kung ano ang gusto n’yong gawin, susuporta kami sa iyo. So hindi ako nagsasabi na, ‘Uy! Huwag kang mag-artista, ikaw mag-artista ka.’ So kung ano ang gusto nila para happy sila kung ano ang ginagawa nila,” paliwanag ni Monching.  (Reports from JCC)


Related News

Explore more categories