Ali Sotto nag-resign sa DZBB dahil sa sibuyas!

Philstar
January 12, 2021

Sibuyas pala ang pinagmulan kaya nawala sa prog­ramang Double A sa Double B si Ali Sotto. Partner sila ni Arnold Clavio sa nasabing programa na may morning slot sa DZBB. Ito ang isa sa pinag-usapan sa Best Digital Entertainment Talk Show ng GEMS,  Take It... Per Minute, Me Ganun, hosted by Manay Lolit Solis, Manay Cristy Fermin and Mr. Fu, sa episode 83 ng programa  kahapon.

Ang chika: minsan daw ay nabanggit ni Ali sa naturang prog­rama na namamahalan siya sa presyo ng sibuyas.

Kaya naman may isang listener sila na nagmagandang loob na magpadala ng sibuyas kay Ali.

Hanggang pinadala na ang nasabing sibuyas via delivery service. Eh on air daw sina Arnold and Ali nang i-advice siya ng delivery service na may nagpadala nga sa kanya ng sibuyas.

Since hindi makakatayo sa radio booth si Ali, nakipaki raw ito sa personal assistant ng programa kung puwedeng kunin ang nasabing padala sa kanya ng  listener.

Kaso nalaman daw ng isa sa top gun ng DZBB na si Rowena Salvacion ang nangyari na umabot sa argumento ng dalawang kilalang personalidad ng radio network ng GMA 7. As in mainit daw ang naging argumento nina Ali at Rowena hanggang makarating kay Mr. Mike Enriquez.

Issue diumano kasi kay Ms. Rowena ang pag-uutos sa PA nila eh personal errand ‘yun ni Ms. Ali.

Hanggang in-advice raw ni Sir Mike na magpalamig muna si Ali.

Pero imbes na magpalamig, nagpaalam na lang daw nang tuluyan si Ali na aalis na siya sa programa nila ni Arnold kaya ngayon ay iba na ang title nito at ang magkatambal na ay sina Arnold and Rowena.

Kung sabagay, mayaman si Ali at siguradong ginagawa niya lang ang nasabing programa para pang-aliw sa sarili.

Kasi choosy pa nga raw ito sa bumibili ng kanyang vacation house sa Bataan.

Yes, tinanggihan daw ni Ali na ibenta ito kay Kris Aquino.

Ang rason naman daw ni Ali, baka pintasan pa ito ni Kris at mag-comment pa sa social media ng kung anu-ano.

Kaya ang advice raw nito sa broker, maghanap ng ibang buyer kahit willing to pay daw talaga si Kris dahil gustung-gusto nito ang nasabing vacation house sa Bataan matapos itong makita ni Kris.

Samantala going back to TIPMMG, todo naman ang ginagawang promo ngayon ng Beautederm Corporation ni Ms. Rei Tan sa bago nilang endorser na si Dingdong Dantes na by the way ay isa sa major sponsor ng TIPMMG kahapon with Calcium Cee.

Ibang level na nga ang Beautedern na nagce-celebrate 12th year anniversary nila this year. Kuha na nila ang malalaking celeb bilang endorser.

Nauna na si Marian Rivera, Piolo Pascual, Bea Alonzo and now Dingdong. Sino kaya ang next?

Anyway, sa mga hindi pa nakapanood sa episode kahapon ng TIPMMG, maki-team replay na sa Facebook page and YouTube channel ng Pilipino Star NGAYON.

Muli, salamat sa 5th Guild of Educators, Mentors and Students (GEMS) Hiyas ng Sining Awards sa pagkilala bilang Bilang Best Tabloid para sa Pilipino Star NGAYON at Best Digital  Entertainment Talk Show para sa TIPMMG.


Related News

Explore more categories