Vice, tinalakan si Sec. Roque

Philstar
January 12, 2021

Wala pang sagot si Presidential Spokesperson Harry Roque sa talak ni Vice Ganda sa kanyang ‘choosy’ statement sa vaccine na pinu-purchase ng Pilipinas.

Hirit ni Vice : “Sa sabong panlaba nga choosy tayo e sa bakuna pa kaya. Ano to basta may maisaksak lang?! Vaklang twoooaahhh!!!”

Nauna ngang sinabi rin Sec. Roque na “Totoo po, mayroon tayong lahat na karapatan para sa mabuting kalusugan pero hindi naman po pupuwede na pihikan dahil napakaraming Pilipino na dapat turukan.

“Wala pong pilian, wala kasing pilitan. Pero magsa-sign ka ng waiver na hindi ka nagpaturok at kapag ikaw ay mayroong prayoridad, siyempre mawawala ang prayoridad mo, sasama ka doon sa the rest ng taumbayan na naghihintay ng bakuna.”

Tumanggap ng tambak na pagkontra ang nasabing statement na ‘yun ni Sec. Roque dahil datung nga naman ng bayan ang ipambibili ng nasabing panturok kontra COVID na karamihan ayon diumano sa survey ay ayaw naman magpaturok.


Related News

Explore more categories