Andrea, nagpakita ng abs habang nagba-viral sina Derek at ellen

Philstar
January 13, 2021

Suitor na billionaire, ‘di raw totoo

Habang nagba-viral ang sinasabing landian night nina Derek Ramsay and Ellen Adarna, kasama ang iba pang neighbors like Ruffa Gutierrez nagparamdam naman si Andrea Torres sa social media kahapon.

No caption, pero idinisplay niya ang kanyang toned abs.

Actually parang pumayat siya.

After ng breakup nila ni Derek ay walang sinasabi si Andrea kung ano ba talagang rason ng kanilang breakup.

Si Derek lang ang nagsasalita samantalang si Andrea diumano ang may dapat ipaliwanag sa nangyari sa kanila ng aktor.

Ngayon daw ay sinasabi ng ilang close kay Andrea na may suitor itong billionaire na foreigner na ayaw paniwalaan ng isang kakilala ng family ng Kapuso star.


Related News

Explore more categories