Loisa, nagsalita sa isyung retokada

Philstar
January 13, 2021

May ilang netizens ang nagsasabing nagparetoke na diumano si Loisa Andalio dahil sa mga larawang pino-post ng aktres sa social media. Ayon naman sa dalaga ay talagang natural lamang ang lahat ng nakikita ng mga tao sa kanya sa kanyang buong katawan at mukha. “Wala akong ginawa. Never akong nagparetoke. As in hindi ako nagparetoke talaga. Hindi ko rin pinangarap na magparetoke. Kumbaga, ayokong baguhin ang hitsura ko. ‘Yung mga ganitong comment naman, hindi ko na iyan pinapansin. Kasi nakakatawa lang naman ‘yung mga ganyan. And kapag nag-e-edit ng picture walang basagan ng trip naman,” nakangiting pahayag ni Loisa.

Aminado ang dalaga na sumagi na minsan sa kanyang isipan noon na magpa-liposuction dahil medyo mabigat ang kanyang timbang. “Dati gusto ko magpapayat, di ba uso ‘yon dati pero dinaan ko sa diet. Doon ko na-realize na hindi ko pala kailangan. Kaya naman pala,” giit niya.

Para kay Loisa ay wala namang masama kung gustong magparetoke dahil para naman din ito sa ikagaganda ng isang tao. “Okay lang i-enhance, hindi ako against do’n. Wala akong problema sa mga nagpapa-enhance. Pero sa nakikita ko, wala naman dapat i-enhance sa akin. Wow! Lakas,” pabirong pagtatapos ng dalaga.

Charlie, hindi naiisip maging sexy actress

Matapos magbida sa pelikulang Fan Girl at Four Sisters Before the Wedding noong isang taon ay muling nagbida si Charlie Dizon sa isang episode ng Horrorscope. Napapanood na ang naturang digital anthology sa iWantTFC.

Pagkatapos ng tatlong magkakasunod na proyekto ay hindi pa umano alam ni Charlie ang kanyang mga gagawin para sa taong ito. “Hindi pa namin napag-uusapan pero abangan natin. Sana magsunod-sunod na rin ‘yung projects kasi gusto ko na rin ulit magtrabaho. Hindi ko pa naiisip (maging sexy star), pero gusto ko lang sabihin na naniniwala ako sa management kung ano ‘yung makakaganda sa akin,” pahayag ni Charlie.

Mas nakilala ang dalaga nang masungkit ang Metro Manila Film Festival 2020 Best Actress award para sa pelikulang Fan Girl. Malaki ang pasasalamat ni Charlie dahil kahit na mayroong pandemya ay nakapagtatrabaho pa rin. Ayon sa aktres ay nasanay na rin siya ngayon sa lahat ng mga ginagawa sa lock-in taping. “Ang naisip ko napakaswerte ko na may nagbibigay ng trabaho during pandemya. Kasi ‘yon ‘yung time na ang tagal ng lahat nawalan ng trabaho and ang tagal nag-stay sa bahay. So lahat talaga no’ng time na ‘yon tinatanggap ko. Sobrang saya kasi kapag nasa lock-in taping kasi nagiging totoo ‘yung chemis­try lalo ng actors and mas focused lahat. Hindi lang ‘yung actors, pati ‘yung mga staff parang mas focused ang lahat sa ginagawa nila kahit isang araw lang kami nag-taping nun,” paliwanag ng aktres. (Reports from JCC)


Related News

Explore more categories