Balik-tambalan nina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo, magpapakilig sa ‘Hoy, Love You’ ng iWantTFC

Philippine Entertainment
January 13, 2021

Kilig at katatawanan ang handog ng pagbabalik-tambalan ng love team nina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo-Yap sa kanilang iWantTFC original romantic-comedy series na “Hoy, Love You!” na mapapanood na nang libre simula Enero 18.

Ayon kina Joross at Roxanne, mas mature na kilig ang mapapanood ng kanilang fans sa serye dahil pareho silang gaganap bilang single parents na mag-isang itinataguyod ang kani-kanilang anak.

“Ibang iba siya sa ginagawa namin way back from SCQ (‘Star Circle Quest’). Ang kilig at approach niya, naka-level din sa edad namin. Hindi lang kami magpapasaya pero mang-iinspire din sa mga pamilya, sa mga bata, sa mga single parent na mabuksan ang pananaw nila para magmahal ulit,” pahayag ni Roxanne sa online talk show na “The Best Talk.”



Dagdag naman ni Joross, “Ang maganda dito, ‘yung ganitong topic, kapag nilagyan mo ng humor it becomes light. So mas madaling matanggap ng audience at mas madaling i-kwento since it is not that heavy… Meron itong aral at eye-opener sa viewers ito,” ani Joross.

Gagampanan nina Joross at Roxanne sina Jules at Marge, dalawang single parents na ang tanging hangarin ay mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak.

Pagkatapos mabyudo, pinagbubutihan ni Jules ang kanyang trabaho bilang contractor habang inaalagaan ang kanyang anak na architecture student (Brenna Garcia). Si Marge naman ay interior designer mula Manila na iniwan ng dati niyang kasintahan na si Richard (Dominic Ochoa) at mag-isang itinataguyod ang kanilang anak na si Charles (Aljon Mendoza).

Dahil sa kanilang mga propesyon, magsasama sa isang construction project sa Lobo, Batangas sina Jules at Marge at doon sila magkakakilala at unti-unting mahuhulog ang loob sa isa’t isa.

Subalit, muling babalik sa Pilipinas at susubukang makipagbalikan ni Richard kay Marge at nangakong tutuparin ang lahat ng pangarap ng mag-ina bilang isang buo at masayang pamilya.

Tatanggapin kaya ng mga anak nina Jules at Marge ang pagmamahalan nila? Piliin kaya ni Marge si Richard para mabuo ang kanilang pamilya o mananaig ba ang kanyang pagmamahal para kay Jules?

Tampok din sa “Hoy, Love You!” ang love team nina Aljon at Karina Bautista, at kasama naman sa cast sina TJ Valderrama, Pepe Herrera, Yamyam Gucong, Keanna Reeves, at Ms. Carmi Martin. Mula ito sa direksyon ni Theodore Boborol. Inilabas naman ng Star Music ang official theme song ng serye na may parehong pamagat at inawit ng buong cast.

Libreng mapapanood ang “Hoy, Love You!” sa darating na Enero 18 sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. Mayroon itong anim na episodes na isa-isang ilalabas araw-araw tuwing 8 PM hanggang Enero 24. Mapapanood din ang mga ito sa mas malaking screen dahil available na rin ang iWantTFC sa mga piling smart TV brands, ROKU streaming devices at Telstra TV para sa users na nasa labas ng Pilipinas. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC, o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWant TFC o mag-e-mail sa [email protected]


Related News

Explore more categories


TrueID
By tapping "ACCEPT", you agree to our and