‘Family History,’ pasok sa 2020 Pista ng Pelikulang Pilipino

Philippine Entertainment
January 13, 2021

Bahagi ng 2020 Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) ang ‘Family History’ na produced by GMA Pictures at Mic Test Entertainment, Inc. Ito rin ang directorial debut ng award-winning comedian at content creator na si Michael V.

Ang ‘Family History’ ay ang heart-warming na kuwento ng isang pamilyang may kinakaharap na matinding pagsubok. Bida rito sina Michael V. at Dawn Zulueta bilang ang mag-asawang sina Alex at May, na sa umpisa ay imahe ng isang “happily married” couple. Pero unti-unti ay makikita ang mga problema sa pagsasama nila. At nang malaman nila na may cancer si May, kakailanganing gumawa ni Alex ng isang malaking desisyon para sa pamilya nila.

Mula October 31 hanggang November 15, magaganap ang online festival sa website ng Film Development Council of the Philippines (FDCP). Magkakaroon dito ng apat na virtual cinemas na may scheduled screenings ng iba’t ibang palabas.



Para mapanood ang ‘Family History’ at sa mga karagdagang detalye, bisitahin ang FDCPChannel.ph.


Related News

Explore more categories