All-new episodes ng ‘Love of My Life,’ mapapanood na simula January 18!

Philippine Entertainment
January 13, 2021

Excited na ang viewers ng Kapuso drama series na ‘Love of My Life’ na mapanood ang all-new episodes nito simula ngayong Lunes (January 18) sa GMA Telebabad.

Maasasaksihan sa fresh episodes ang muling pagbangon ng pamilya Gonzales matapos ang pagpanaw ni Stefano (Tom Rodriguez). Unti-unti nang magkakaayos ang mag-inang sina Isabella (Coney Reyes) at Nikolai (Mikael Daez) habang malalaman na rin ang kahihinatnan ng love triangle sa pagitan nina Nikolai, Adele (Carla Abellana) at Kelly (Rhian Ramos).

Samantala, ibinahagi naman nina Carla at Mikael ang ilan sa kanilang karanasan sa lock-in taping ng serye.



Pag-amin ni Carla, nahirapan daw siyang bumalik sa kanyang character, “Getting back into character took like a taping day or two but everything else naman flowed freely and good.”

Taliwas naman sa Kapuso actress, mabilis daw na nakabalik sa kanyang character si Mikael dahil lubos daw niyang na-enjoy itong gampanan.

Aniya, “I got to know Nikolai very well at the very start and hindi ko siya nakalimutan because I enjoyed working with that character. I enjoyed working with the cast, with Carla, Rhian, Direk Don (Michael Perez), and the whole crew.”

Tutukan ang kapana-panabik na all-new episodes ng Love of My Life simula ngayong January 18, 8:50PM, sa GMA-7.


Related News

Explore more categories