'Sa sabon nga choosy tayo': Vice Ganda binanatan gustong COVID-19 vaccine ng Malacañang

Philstar
January 13, 2021

MANILA, Philippines — Hindi na nakapagpigil ang komedyante, aktor at television host na si Vice Ganda pagdating sa mga darating na bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) — ito, kasabay na rin ng inilulutang na pagkiling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga bakuna ng Tsina't mga Ruso.

"Sa sabong panlaba nga choosy tayo eh, sa bakuna pa kaya," wika ni Vice sa Twitter, Martes, na tila parinig sa pagkiling ni Duterte sa Sinovac — isang Chinese vaccine laban sa COVID-19.

"Ano to, basta may maisaksak lang?! Vaklang twoooaahhh!!!"

'Yan ang hirit ng "Unkabogable" star matapos sabihin ni presidential spokesperson Harry Roque kanina na Chinese COVID-19 vaccine lang mula Sinovac ang available para sa mga Pilipino hanggang Hunyo 2021.

Lunes lang nang sabihin ni Roque na walang panahon para maging "pihikan" ang mga Pinoy lalo na't nasa gitna ng pandemya ang Pilipinas.

"Sa Pebrero hanggang Hunyo, wala po tayong alternatibo. Parang iisa lang po ang darating na bakuna," sabi ni Roque sa isang press briefing nitong hapon. "Kaya nga po kung ayaw niyo ng Sinovac, well, 'di kayo pipilitin."

May kinalaman: ‘Wag choosy sa bakuna - Malacañang

Basahin: Palace: Other brands for COVID-19 jabs available only by mid-2021

Pwede naman daw 'wag tumanggap ng bakunang Tsino ang mga Pilipino kung ayaw nila. Gayunpaman, matatanggal sila sa "priority list" ng gobyerno.

Nakatakdang unahin ang mga healthcare workers sa unang 50,000 bakuna na darating mula Tsina. Tila salungat naman 'yan sa sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. kanina sa ANC nang sabihin niyang Pfizer vaccine ang mauunang igulong sa Pebrero sa pamamagitan ng COVAX facility.

Kasasabi lang din ng Palasyo na hindi pa magagamit agad sa maraming probinsya ang mga bakuna mula sa American company dahil na rin sa kakulangan ng cold storage facility.

'Naging choosy na nga si Duterte eh'

Hindi naman aprub sa ilang mambabatas at experts ang pahayag ng Palasyo pagdating sa bakuna, lalo na't deserve naman daw ng taumbayan na piliin ano ang ituturok na gamot sa katawan.

"That's a very unfair statement coming from the spokesperson because to me it is enshrined in the Constitution that health is a basic right and it is about wellness," ani Dr. Tony Leachon, isang public health expert, sa panayam ng ANC.

"We deserve to be choosy because we need to find the right vaccine for us based on efficacy and safety."

Ganyan din naman ang palagay ng forensic expert na si Racquel Fortun, doktor na si Gideon Lasco at Sen. Risa Hontiveros. Aniya, isa sa pinakamahal at "hindi gaano epektibo" ang mga nasabing Chinese vaccines.


Related News

Explore more categories