Nathalie, nami-miss na ang India!

Philstar
February 21, 2021

May sariling negosyo na rin si Nathalie Hart.

Yup, at chemical-free ang mga produkto ng Gayatree by Penelope Gayatri na founded last June 2020.

Ayon kay Nathalie, ang bawat produkto ay ginawa with high quality, chemical-free and effective range of different organic and plant-based skin-care products.

“Our mission is crea­ting healthy, sustainable lifestyles and beauty routines with minimal impact on the environment.

“These products provide clean and balanced skin care from natural ingredients which are rich in antioxidants and minerals,” sey ni Nathalie sa mga produkto ng Gayatree na hindi lang mga skin product dahil ang gaganda rin ng mga lounge, beach and resort wear.

Anyway, wala nang trace na nakaranas ng verbal abuse si Nathalie sa ex partner niyang Indian nang mag-live in sila at nagkaanak.

Moved on na rin siya sa naging panunumbat sa kanya ng ex na isa siyang sexy star noon.

Maaalala ngang dahil dito ay nagkaroon siya ng postpartum depression at bumalik ng Pilipinas kasama ang anak mula sa Australia at India.

Nabanggit ni Nathalie sa last interview namin na ang gusto raw kasi ng boyfriend niya noon ay maging plain housewife lang siya na tipong mag-aalaga lang ng baby, naglilinis ng bahay etc. eh hindi raw siya ‘yun.

Pero bakit kaya latest post niya, may hashtag siyang “missingindia?”


Related News

Explore more categories