Pokwang nagpapatayo ng vacation house

Philstar
February 21, 2021

Suwerte pa rin si Pokwang dahil kahit na hindi pa rin bumabalik sa normal ang showbiz, may pumapasok pa rin siyang bagong endorsement. Weeks ago lang ay pinakilala siya bilang ambassador ng RD pawnshop. In fact, ngayon ay may pinagagawa pa siyang summer house sa Bataan.

Pero sayang at ang chika ay nagmadali siyang magka-show sa TV5, Chika Besh!, eh muntik na pala siyang ­maging Kapuso dahil may plano sa kanya ang GMA 7.

Pero bigla nga raw siyang nag-decide na tanggapin noon ang Chika Besh! na hindi na rin umabot sa second season.

Anyway, going back to her latest endorsement, sinabi ni Pokwang na walang masamang magsangla lalo na nga kung pinaghirapan mo naman ang isang bagay na gusto mong i-pawn. “‘Yun pong sinasanla n’yong ‘yan ay pinagpaguran n’yo ‘yan, ‘yun pong sinasanla ninyong pinagtrabahuhan n’yo ‘yan and of course nagkaroon ng emergency, walang nakakahiya doon,” sey ng komedyana.

Breadwinner si Pokwang kaya alam niya ang pinagdaraanan ng mara­ming katulad nila particular na ngayong panahon ng pandemya.

Para sa raw kanya, ito ang madaling paraan sa oras pangangailangan.

Napapanood pa rin si Pokwang sa Fill In The Bank sa TV5, thrice a week.

Aside from endorsements at Fill... may food business sila ng husband niyang si Lee O’Brian. Nagbebenta sila ng cooked food products, Pok-Lee.

Speaking of her husband, natuloy ka­yang i-complain ni Pokwang sa NBI ang isang dating group na ginagamit siya at sinabing sa nasabing dating group niya nakilala ang father ng anak niyang si Malia? Kinlaro na niya ito sa isang post na “hindi ko po sya friend at hindi po kami sa dating site nagkakilala ni papang @leeobrian sa movie po kmi nagkakilala ang Edsa woolworth na produced ng TFC at directed by @johndlazatin mga mag gagantso!!!! wag ganon!!!! Attention #NBI sino po pwede kausapin para ipahanap ito? woohooo.”


Related News

Explore more categories