Senadora De Lima makikipag-jamming sa mga sikat na singer

Philstar
February 21, 2021

Awww, true pala na may ‘online community jamming’ ang kontrobersyal na si Sen Leila de Lima. Yup, you read it right, ‘celebration’ diumano ito ng kanyang ika-4th year sa loob ng custodial center sa February 24 matapos maabswelto sa isa sa tatlong kaso niya.

At ang bongga, marami umanong kilalang mga singer na kasali sa nasabing online community jamming na magaganap sa Miyerkules, 7:30 p.m. via livestream sa official Facebook page ng senadora - Free Leila de Lima Movement (FLM) FB page.

Kabilang daw sa mga magpe-perform sina Ebe Dancel, Bugoy Drilon, Gary Granada, Bituin Escalante, Bayang Barrios, Cookie Chua, Jim Paredes, Agot Isidro, True Faith at marami pang ibang performers.

Makikibahagi rin diumano sa nasabing jamming session sina Vice President Leni Robredo, Senator Franklin Drilon, Senator Risa Hontiveros, Senator Kiko Pangilinan, Atty. Chel Diokno, Direk Joel Lamangan, Mae Paner, Pinky Amador, Bishop Broderick Pabillo at marami pang personalidad.

Bago naging senador, naging Justice Secretary ang nakakulong na senadora.


Related News

Explore more categories